Here are our titles for My Special Valentine Bestsellers!

Want to read the story teasers?
Previews
Tall, Rich And Handsome
Adrienne Rowland
Jack was an easy man to work for. Too bad, Lanie was paid to spy on him. Directive iyon ng ama ng binata, na gusto lamang mapabuti ang panganay na anak.
Para sa halagang isang milyon, hindi na masama. Hindi naman araw-araw may mag-aabot kay Lanie ng ganoong pera para guwardyahan ang isang mala-Adonis na lalaki.
It was just her luck na matuklasan nito ang sekreto niya. At determinado si Jack na pagbayarin siya—by posing as his wife! Well, excuse her…
Wala yata sa plano niya ang maging babae nito. No way! Then again, it was another one million pesos. At sa puso niya, sigurado si Lanie kung alin ang mas matimbang….
Breaking The Rules
Maricel V. Galvez
“Hindi mo ako p’wedeng tanggihan, Miss Borromeo. Either you work as my secretary or resign,” ani Julius.
“Okay, tinatanggap ko na,” sagot ni Sarah.
“I just want to tell you my most important office rule.”
“Yes?”
“Never fall in love with me,” he casually said.
Of all the arrogant, high-handed, cold-hearted jerks…
Pero kaagad napatunayan ni Sarah na may katuwiran ang batas na iyon ni Julius. Kung kailan huli na…
In love na siya rito. Hindi na magbabago iyon.Kahit ilang ulit nitong iparada sa harap niya ang girlfriend nitong si Lorraine….
Kung Di Mo Ako Kayang Mahalin
Cristina Manuel
“Napapahiya ka?” tanong ni Bernard. Napamura ito pagkatapos. “Hindi bagay sa iyo, Danica,” uyam pa nito.
Tuluyang nalaglag ang luha niya sa pasaring ng asawa. Maling-mali ito sa pag-akusa sa kanya.
“Sige, umiyak ka lang. Natutuwa akong makita kang nahihirapan. At least, pareho tayo!” Kumilos ang lalaki at pabalibag na isinara ang pinto.
May katuwiran ang galit nito sa pamilya niya. Inilayo ito ng kanyang papa sa nobya nito para ipakasal sa kanya. Pero wala siyang kinalaman doon.
Ang tanging kasalanan ni Danica, minahal niya si Bernard nang sobra-sobra….
A Bachelor For Me
Rue Mondragon
“Money turned you on? Is that it?” paglilinaw ni Quintin.
Tumango si Helene. “No offense meant, Quintin, pero plano ko ang makapag-asawa ng mayaman,” diin niya.
Walang pang-uuri o pagkainsulto sa mga mata ng kausap. “Paano ang tinatawag na pag-ibig?” tanong nito.
“Oh, hindi basta mayaman lang na lalaki ang gusto ko. I want someone that I can love, siyempre.”
“I’ll drink to that. I wish you all the success in your pursuit,” sabi nito bago nagpaalam.
Gustong lumubog ni Helene sa kinatatayuan nang matuklasan na ang lalaking pinagtapatan niya ng plano ay ang ‘mayaman’ na hinahanap niya para mahalin….
Pakipot Na Puso
Angela Alfonso
“That was a very foolish thing to do, Gaby,” anas ni Matthew nang umigkas ang kamay niya at masampal ito.
“Bitiwan mo ’ko,” kinakabahang utos niya.
“Not yet. Hindi pa ako nakakaganti,” sagot nito.
“You deserved it.”
“Oh, yeah? Then you deserve this, too.”
Higit na mapanira ang ganti nito. Halos madurog ang pang-ibabang labi ni Gaby nang kagatin nito iyon.
Nanunukso ang sumunod na halik ng binata—dadapo, pagkatapos ay biglang mawawala, hanggang kusa siyang mapayakap sa leeg nito. Then he suddenly stopped kissing her—upang maipamukha na ginawa nito iyon para magparusa, hindi para magustuhan niya ang halik….
Lost In Your Embrace
Emily Loris
“Hindi ko gagamitin ang katawan ko para ipambayad sa utang sa iyo ng daddy ko,” saad ni Kristine.
“Oh, but it’s not because of any money you owe me. Ibibigay mo sa akin ang katawan mo because you want me just as I want you,” mayabang na sagot ni Anton.
“How dare you!” she muttered.
Buong buhay ni Kristine, wala siyang ginawa kundi iwasan si Anton dela Vega.
Dahil totoo na kayang-kaya niyang ibigay ang sarili sa binata. Not because she simply wanted him gaya ng nararamdaman nito para sa kanya.
Kundi dahil mahal na niya ito noon pa….
Written In The Stars
Louise Dane
Minahal ni Phoebe si Nash at first sight. Nahulog siya sa puno dahil sa kasisilip sa guwapong mukha nito. Nasa bahay na siya nito nang magkamalay.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero parang matagal na niya itong kilala.
Sa pakikialam ng Kuya Kobe niya, nagkahiwalay sila ni Nash bago pa man sila nakapag-umpisa ng relasyon.
Now he was back. Three years were not enough to forget him. Pero galit at pagkamuhi ang nasa mga mata ngayon ng binata.
At batid ni Phoebe na may katuwiran si Nash para maramdaman iyon….
Bid For My Heart
Jen Yaneza
Pre-marital separation of properties ang demand ng prospective mother-in-law ni Alisha para payagan siyang makasal sa anak nito.
Hah! Ano ang tingin nito sa kanya—hampaslupa? Kahit naghihirap siya, hinding-hindi siya papayag na insultuhin nang ganoon. Ibinalik niya ang nobyo sa nanay nito.
Sila ang magpakasal! Tapos na siya sa mga lalaking walang buto. Saka dumating sa buhay niya si Jordan.
Ibang-iba ito sa ex-boyfriend niya. Maprinsipyo ito, maalalahanin, mapagmahal at… maka-ina rin?
Ah, tila wala talaga siyang suwerte sa mga lalaki. Humanda si Jordan kung mama’s boy rin ito….
Shadows Of Your Heart
Mia Del Fior
“H-hindi ako masamang tao,” paliwanag ni Frankie.
“Then explain why you tried to rob this house last night,” hamon ni Dennis.
Napamulagat ang dalaga sa akusasyon nito.
“I was not trying to rob you, at least, hindi sa paraang akala mo. Gusto ko lang kumuha ng… ilang damit na puwede kong gamitin.” God knows she meant no harm.
“Bakit? Naiwan mo ang mga gamit mo dito?”
Franchesca well noted the sarcasm. Tila wala siyang magagawa para papaniwalain ang lalaki.
At desidido si Dennis na ikulong siya sa bahay nito hangga’t hindi niya ito nakukumbinsi….
A Night And Forever
Gabrielle
“Let’s not dwell on the past. We can no longer undo them,” matigas na sabi ni Noah.
“Galit ka ba sa akin?” garalgal na tanong ni Corinne. Hindi niya rin gustong magpakasal kay Noah, pero nakataya ang pagkakaibigan ng mga magulang nila.
“Oo… hindi… ewan ko!” litong turan nito.
Napahikbi ang dalaga, hindi makapagsalita.
“Shit!” mahinang usal ni Noah. “Look, I’m willing to make sacrifices to make this marriage work.”
Napatingin siya sa binata.
“For the baby’s sake,” dugtong nito.
Something’s telling her that’s all she’s going to get….
Undercover Maid
Irene Lee
“Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I’ll keep my distance from now on. Just don’t leave,” pakiusap ni Jett.
Hindi sumagot si Lailanie. Hindi niya kailangan ang trabaho bilang maid nito. Kung di lang sa personal na dahilan, ibabasura niya ang undercover job na iyon.
“If you want… you can punch me again. Just don’t leave,” sabi uli nito nang hindi siya sumagot.
Lihim siyang natuwa. Iyon talaga ang nakapagpapayag sa kanya para huwag munang umalis.
She gave him an uppercut and left him groaning in pain.
A Time For Us
Liana Sky
Si Joaquin Antonio ang taong hindi naniniwala sa pag-ibig. Napasubo lang siya kaya may namagitan sa kanila ni Kim. Hindi niya talaga ito type. At malayong mangyari na mahal niya ito dahil… hindi nga totoo ang LOVE!
Pinatulan niya si Kim dahil gusto niyang patunayan na front lang ang pagiging mahinhin nito para mapansin niya. Na nagpapakipot lang ito kaya tinatanggihan ang advances niya. She was a challenge he was determined to conquer.
Nang mahulog ito sa kanyang bitag, nawalan na siya ng gana. He dumped her without a word. Pero may alas si Kim. At noon natuklasan ni Joaquin na hindi niya kayang isuko ang babaeng sumuko na sa kanya….
If you are interested to buy any of these books, please view this page for more information. Thank you!






cool…galing nila…how i wish i can be the best like them…anyways i’ve posted new blogs in my blogspot…my heart has been at its worst this past months… i hope ul find time to read it…and leave a comment…Miss Sharon hello…
hi cassandra! dnt wori u can be like them. just continue writing and writing. anyways, i tried to visit ur blog but then kelangan magregister muna before i can view it. so i did not pursue. i hate registering and making an account. hehehe… sowee but i dnt like maintaining a lot of accounts. it gives me headache. pwede mo nmn iset yung setting na di na kelangan magregister. that way u make it easier for people to visit ur blogsite. suggestion lang po. tc and goodluck!
hi again miss sharon…ok po..thanks po sa sinabi niyo…pinalitan ko na po ang settings…god bless..power hug..
favorite ko jan ung time for us grabe naiyak ako…pero iyakin tlga ako kpg ngbabasa ng pocketbook hehehe
Hi zeta! thanks sa pagbasa mo ng A Time For Us… naiyak din ako habang sinusulat ko yon. salamat din sa pagsuporta sa MSV pocketbooks! ^_^
Uy! Nabasa ko din ang A Time for Us. Kaya ako nainspire mag-submit sa MSV eh. Thank you kay Miss Liana ^_^
nakakatuwa at nakakataba ng pusong mabasa ang comments nina miss elisestrella at zeta! tenk u very much guys! ^_^
i’ve just started reading the books from MSV this summer at nung first kung magbasa ng libro na hook kaagad ako
i really find a bachelor for me funny and great i loved it and i also want to read all the other books that was written by other authors kasi lahat ng books nyo ay interesting sana hindi maubos allowance ko sa kabibili hahaha..and sana maging magaling din akong romance novelist
ingatz po kayo:)
hello celine!
sana huwag kang magsawang magbasa ng msv books.
goodluck din sa writing!
salamat po sa support ms. yumi:)
i’ll do my very best sa pag susulat hehehe
and don’t worry hindi ako magsasawa sa pagbabasa ng MSV ginagawa ko na nga siyang collection hahaha…and ginagawa ko ring basehan ang mga libro para mkagawa rin akong ng magandang romance novel hehehe…
keep up po sa inyo i’ll be waiting for your new books ho!
take care and god bless
A time for us – a milestone in Filipino romance books.
The plot is somehow related to A walk to remember by nicholas sparks but what made it extraordinary is the way the story was written and the integration of values in life and faith to God.
This book gave a new face to tagalog pockebooks by:
1. elimination of hefty love scene without making it boring and less kilig
2. ommiting the usual girl-boy clashes at the early part of the story.
3. getting rid of the too handsome and rich, and too beautiful and sexy charaters making it more realistic
4. includinga narration in the early and last part coming from the guy
The depth of the characters can be really felt and you can’t help but wipe your tears while reading. I love how ungentleman the guy can be without the usual i-hate-her-but-i-like-her plot. It made me so kilig!
…did you ever wonder why humans can make a pool but not the seas? just one of the educated arguments in the book that put me in awe because i too, made so many realizations.
whoa, until now my heart is with the couple. =)
To Liana Sky, I salute you for a job very well done!
Hi Kasserine, wow, sobrang thank you sa napakagandang comment, sobrang na-touched ako. Ibang level na ‘to!
I’m so speechless… hayan, lalo akong na-i-inspired magsulat ulit. Thank you at na appreciate mo yung mga arguments sa story, tinatanong ko rin yung sarili ko sa mga bagay na nakasulat doon.
Kasserine, isang big hug para sa ‘yo! ^_^ Thank you talaga sa pagbasa at pag-appreciate!
hi liana, i would just like to appreciate your work so as to empower the writers and the readers as well. Your work is a successful innovation. i hope this inspires your fellow-writers and you guys will surpass whatever success you have now by driving that inner passion to write more and create a better masterpiece again and again. =)
my praises also goes to other writers! would you believe, i searched through various NBS just to look for the books that i have already marked as good ones. sadly, some of them are releases of prior months making it too hard for me to find copies of them. huhu!
i can’t help but smile… i can’t believe that i am hooked to these pocketbooks especially MSVs.
you have my support guys. i am out to prove that patronizing filipino works does not make you less of a person. kudos!
Kasserine, your heartfelt comment gave me so much motivation and encouragement to finish this novel that I’m workin’ on right now. Thank you, girl! ^_^
To all the MSV writers(di ko na kayo iisa-isahin ang dami nyo mga sista!), Zeta, Kasserine, homemakers, my family in the Philippines, MSV editors at sa lahat ng nakabasa ng novels ko… you guys ROCK my world! Kayo po ang inspirasyon ko ngayon.
-Liana Sky ^_^
hello kasserine!
thanks for patronizing MSV books.
liana, asan na ‘yung baby sis mo? i wanna meet her kahit online lang.
Hi yumi!
Naka-usap ko kanina yung kapatid kong si Ella, pinipilit ko nga na mag-online, pasaway na bata. Pipilitin ko pa din…hehehe ^_^
aha! suwail na kapatid! ang dapat diyan, pinapalo! haha!
peace, ella!
hope to meet you soon. di ako nangangagat, promise. basta hindi kabilugan ng buwan. hekhek!
Iba talaga itong Liana. Sa first book niya, comedy… memorable sa akin ang dialogue ng heroine na “I’ve already eaten the dog”… boink! Sa second book, uhm… halong drama at comedy (kung hindi ako nagkakamali). Sa third book, A time For Us… waaahhh! Naiyak ang beauty ko habang nag-e-edit! That’s the book with a bitin ending… bawal kasi indicate na mamatay ang bida.
hi ma’am ellen! actually ang ending nung A Time for Us… nabuhay yung girl, nagkaroon ng miracle, oh ang saya di ba? happy ending pa din! ^_^
Ah… miracle of love… teka, title ‘yun ng movie nina gabby concepcion and snooky serna, ah. with the late roxanne abad santos, in her first and last starring role. sa pagkakaalam ko may sakit na leukemia si roxanne who was a PAL flight stewardess. hindi ko na pinag-isipan mabuti kung ano ba talaga ‘yung ending ng A Time For Us. Bitin nga eh… either the heroine died or she lived.
ate LD nabasa ko na yun Written in the Stars hehehe.may halong action kaya maganda hehehe.ate love ko na c nash.
zeta! thank you nang madami at nagustuhan mo yan. Yan ang una kong novel. hindi ko rin alam kung bat nahihilig akong magsulat ng action these days.
wee, pareho natin siyang love.
let me refresh my memory… LD, ‘yan ba ‘yung kuwento na may part na nasa itaas ng puno ‘yung heroine at sa kapipilit niyang masilip ang mukha ng hero na nasa ibaba ay nahulog siya? gusto ko ‘yung scene.
Nash nga pala ang pangalan ng pusa ko. Naku, saan na naman kaya naglamiyerda ang diyaskeng pusang ‘yun? Hindi ko pa nakikita! Aha, ibalik nga ang Nash as hero’s name, pansin ko hindi na naulit gamitin ang palayaw ni Anastacio. Hehehe. Paging Apple!
wow ang ganda talaga !!nabasa ko na yung “tall,rich and hansome..breaking the rules..shadows of you heart..undercovermaid and atime for us” ..grabe..ang ganda !!
Hi Angelica!
Thank you for reading my book “A Time For Us” ^_^
Meron akong bagong approved book Who Do You Love ang title. Sana suportahan mo kapag na-release na siya sa mga bookstores!
HAve a good day!
-Liana Sky