Here are our titles for My Special Valentine!

Want to read the story teasers?
Previews
A Groom For Life
Mari Calingayan
Pamamanahan si Mika ng kanyang paboritong lolo ng isang bahay, isang mango farm at malaking halaga ng pera. Mayaman na siya! Sana. Kaso may kondisyon ang matanda: kailangan niyang mag-asawa sa loob ng dalawang buwan.
Bagaman ilang taon nang zero ang lovelife niya, hindi susuko si Mika. She swore she would find a groom within the week!
Parang may suminding bombilya sa loob ng utak niya nang makita ang guwapo at machong lalaki sa loob ng bahay ng best friend niya. Mukhang may solusyon na sa dilemma niya.
Only he turned out to be Jared—ang lalaking walang ginawa noong mga bata pa sila kundi asarin siya at pahirapan ang loob.
Bakit kaya ito bumalik sa Pilipinas?
At ang mas importanteng tanong: may asawa na kaya ito?
Kailangan Kita
Olivia Ray
Bunga ng pagtatanggol sa kanya, nakulong ang kapatid ni Sierra na si Raphael. Now she would protect him at all costs. Kahit pa nga nangangahulugan iyon ng pagpain niya sa sarili sa kalaban nang sa gayon ay mapigilan si Arnold Lijamco sa plano nitong pagpapabagsak sa kanilang kompanya at pagpapa-
hirap sa kanyang pamilya.
Pero mukhang ang sarili niyang damdamin ang hindi niya naprotektahan. Dahil sa kabila ng pagturing nito sa kanya bilang mortal na kaaway, she found herself falling for the ruthless businessman.
Sapat na kaya para kay Arnold ang puso ni Sierra bilang kabayaran sa inakala nitong kasalanan ng pamilya niya?
Memory Of A Kiss
Katrina Ramos
On one fateful night, Tatiana met the man of her dreams.
Saglit man ang pinagsamahan nila ni Czar, nag-iwan ng malalim na marka sa isip at puso niya ang binata.
And when they kissed, she became certain that she had found ‘the one.’
Ngunit isang aksidente ang naging dahilan para matuldukan agad ang papasibol pa lang nilang pag-iibigan. She was willing to do anything para
sa ikabubuti ng inang nakaratay sa ospital, including accepting a doctor’s proposal and forgetting about Czar. Tutal, parang wala rin namang pag-asa na magkasama pa sila.
Pero gusto niyang pagsisihan ang naging pasya nang makilala ang kapatid ng kanyang fiancé—it was Czar.
Close To You
Mika Edelstann
Simula nang iligtas si Sunny sa isang lasing na may patalim, hindi pa siya personal na nakapagpasalamat kay Lev. Gayunpaman, hindi nawala sa puso niya ang gratitude para sa ginawa nito. He had been her knight in shining armor… hanggang sa ang gratitude ay naging unrequited love na.
Then, opportunity showed itself to Sunny. May naisip siyang ideya kung paano mapapalapit kay Lev. Wala na siyang pakialam kahit hindi ang
tunay na siya ang nakilala nito. Kahit hindi na nito suklian ang kanyang nararamdaman, basta araw-araw niya itong nakikita, okay lang.
O okay nga lang ba? Iyon ang kanyang akala….
My Italian Romance
Lorry Virgo
Destiny made a decision for Audrey. Binitbit siya nito sa Venice, Italy sa halip na sa Germany kung saan niya talaga balak mag-soul searching. Doon niya natagpuan si Chester, ang kanyang childhood crush.
Sa bilis ng pangyayari, before she even realized it, they were planning their wedding—oops, their fake wedding! Citizenship lang ng binata ang
kanyang kailangan.
Pero nadiskubre niya, her foolish infatuation over him had ascended into crazy love. All of a sudden, she wanted everything to be true.
Ang kaso, walang plano si Chester na totohanin ang lahat. How could he? He was married two times, divorced twice. Hindi na ito naniniwala sa kasal. Now, how could she make him see that she’s the right wife for him?
A Wish Of Love
Aira Felicity
Nang malaman ni Angelika na pupunta na ng Amerika ang kanyang ultimate crush and potential true love na si Adrian, lakas-loob niyang tinungo ang bahay nito at nagtapat ng tunay niyang damdamin. It’s now or never ang drama niya.
Ganoon na lang ang hiya at inis ng dalaga nang malamang hindi si Adrian ang nakarinig ng confession niya kundi ang kapatid nitong si Arone.
Lalo pang kumulo ang dugo niya rito nang nakawan siya nito ng halik.
Subukan lang talaga nitong ipaalam kay Adrian ang tungkol sa confession niya at sasamain ito sa kanya. Di bale nang mapagkamalan siyang tomboy ni Arone, basta babangasin niya ang pagmumukha nito—at wala siyang pakialam kahit saksakan pa ng guwapo ang preskong iyon….
Crazy Over You
Connie C. Causing
“I told you I can take care of myself!” singhal ni Hannah, inis na inis sa pakikialam ni Matthew sa buhay niya.
“I thought so, too. Pero nitong nagdaang araw, para kang batang naliligaw ng landas. You’ve changed, hindi na ikaw ang dating Hannah na
kilala ko.”
Napaismid siya. “That was a long time ago… noong naïve pa ako at naniniwala pa sa true love.”
Hindi kaagad nakakibo ang binata. Siguro na-guilty ito; ito mismo ang tunay na dahilan ng mga pagbabagong iyon sa kanya… ng bitterness sa puso niya. “Let’s bury the hatchet, Hannah,” mababang sabi ni Matthew.
Sana ganoon lang iyon kadali. Pero limang taon niyang pinag-aralang kalimutan ito at kamuhian, but still… the feeling remained.
Made In Heaven
Louise Dane
He never wanted to play hero. Alam kasi ni Jad na kabaligtaran siya niyon. He was the bad guy who just decided to go on sabbatical leave for a while. Pero nang makita niya si Grace at ang lolo nito na tinutukan ng patalim ng hold-uppers, he came to their rescue.
Gustuhin man niyang ilayo ang sarili and get on with his lone-wolf ways, hindi niya magawa. Hindi man niya aminin, unti-unting ginigiba ng maglolo—lalo na ni Grace—ang mga pader na ipinalibot niya sa kanyang puso. She was like an angel in disguise of a SPED teacher… and being with her gave him glimpses of
heaven.
Pero sa madilim niyang nakaraan at di-malinaw na bukas, sa tingin ni Jad, he was not cut out for something like love. Kabaligtaran naman ang opinyon ni Grace. And it looked like she was making it her mission to teach Jad lessons in love and life….
Kung Mamahalin Kita
Angeli Vera
Sa loob ng dalawampu’t walong taon ng buhay niya, Lia lived by a simple motto: walang sinuman ang may karapatang gawing komplikado ang buhay niya. Hindi siya makikipagrelasyon hangga’t hindi niya naayos ang buhay niya. Sa pakiramdam niya, hindi siya magiging masaya hangga’t hindi niya
natatagpuan ang kapatid niyang sixteen years nang nawawala.
Kaya kahit gaano pa kalakas ang epekto sa kanya ni Kevin Roces ay pinigilan niyang makalapit ito nang husto sa kanya. She had a tendency to lose the people she loved and cared about, kaya takot na siyang magmahal pa.
Pero pakiwari ni Lia, huli na para sa warning na iyon. Okupado na ni Kevin ang puso niya, anumang tanggi ang gawin niya….
Keep Me Forever
Terri Dizon
Trey was everything Demi could ever ask for. Hindi niya inasahang isang gaya nito na mabait, mayaman, successful at sobrang guwapo ang magmamahal sa kanya.
Pero dahil sa insecurities niya, takot at pessimism, she lost a wonderful man. Kahit alam niyang handa siyang ipaglaban ng nobyo sa ina nito, siya mismo ang sumuko. Ayaw niyang masira ang magandang pagsasamahan ng pamilya nito nang dahil sa kanya. So she pushed him away… hurting them both in the process.
Yes, it could have been a beautiful relationship. Too bad, it didn’t last long.
Ganoon nga yata parati. You realize someone’s worth kapag nawala sa iyo. At totoong-totoo iyon kay Demi ngayong kaharap niya ang lalaking minamahal pa rin kahit dalawang taon na silang magkahiwalay, kasama ang babaeng ipinalit nito sa kanya….
Dreaming Of You
Isabel Margarita
Matapos ang gabing iyon kung kailan ipinagtapat ni April kay Brix ang long-kept secret love niya para rito, hindi na sila nakapag-usap. Sadyang iniwasan niya ito.
It took her a lot of time before she finally let go of her feelings for him. Nang ipagtapat kasi niya ang kanyang damdamin kay Brix ay para na ring natuldukan ang kanilang pagkakaibigan.
Limang taon na ang nakalipas at ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na muli niyang makakadaupang-palad ang binata… at magiging immediate superior niya pa ito.
But destiny was not in April’s hands… gaya rin ng tibok ng kanyang puso. Dahil ayaw man niya, natagpuan niyang si Brix pa rin ang isinisigaw niyon….
The Reluctant Bride
Cassandra Victoria
Ang balak ni Althea, gagayahin niya ang foster parent niya: hindi siya mag-aasawa, sa halip ay mag-aampon para may kasama siya sa pagtanda. Wala sa plano niya ang paglagay sa tahimik dahil una, masyado siyang abala sa paghabol sa mga pangarap niya sa buhay para atupagin ang love life. At pangalawa, ayaw niyang matulad sa inang namatay na bigo sa pag-ibig.
So men never got her attention. Bago pa man makapagpahayag ng saloobin ang mga ito sa kanya, naunahan na niyang bastedin.
And definitely, walang pinagkaiba si BR Remoroza sa mga iyon. Yes, kahit pa nahuli sila ng lolo’t lola nito sa eskandalosong sitwasyon at nakatakda niya itong maging asawa….






una ako! yehey!!!
multiply mates, here we go!
congrats writers… can’t wait for next month din.. hehehe!
weeehhh!!!
ako unang magko-comment! hehe!
siyempre highly recommended ang mga books ng friends kong sina aira felicity, cassandra victoria at louise dane.
pangatlo akong magcocomment!!! o yun lang akala ko kasi kina EJ pa lang at yumi ang nasa-sight ng beautiful eyes ko now..
kelan to available sa NBS? bibilhin ko yung kay aira felicity, cassandra victoria at louise dane!!!! woohooo!!!
sino nga ulit ang tatlong yan? hahaha..
ay! bakit ganoon? kanina, number 1 ako sa comments! hekhek!
nagkulitan na…hahaha…thanks mama yumi..thanks te H…este ate harrieth…and thanks mucho te edith sa pagpapakalat ng magandang balita…
wow! ang guwapo ng cover ko!!!
uy, thanks, guys. at least me sigurado nang bibili ng book ko. hehehe.
hep,hep, hurray! tamang tama, pupunta kong nbs mamaya. hahaha. papalagpasin ko ba naman libro ni Louise Dane, hehe.
at saka kay aira at saka kay cassandra victoria…
congrats, girls!
ld, ang guwapo nga. hmmm.. looks familiar wahahaha. lavet.
na-touch naman ako. thanks, carla!
awaw! di din pala gaanong mabubutas pa ang bulsa ko this time… next month pa pala. may time pa mag-ipon.
basta, sigurado na ako sa louise dane, cassandra victoria at aira felicity. yahoo!!!
oist! kilala niyo yung tatlong ito???
@EJ
ako hindi! ayan at nagcomment pa si LD este si louise dane at si daph err- cassandra victoria sa taas.. ah.. paki-enlighten ako.. haha..
At least can afford pa ako ngayon! Next month pa talaga yung kailangan ko pag-ipunan paglabas nung mga libro niyong sabay-sabay! Wag nga kayo masyadong masipag! Hahaha
Congrats sa mga writers na may books this release! Sepcial mention ang Multiply ladies siyempre, si Louise Dane, Aira Felicity at Cassandra Victoria! Pero interesting lahat! Hahanap na ako sa NBS sa weekend, hopefully. Congrats ulit everyone! Great job! ^_^
ayan…bibili na sila ate elise…bili na rin kayo…heheheh
wow!! bagong release….tsk tsk ang dami nanaman ng kailangan ko’ng bilhin hehehe…
anyways..yehey hindi nanaman boring life ko….
congratz ho sa lahat ng writers

keep up po!
ay! congratz po kay Ms. Aira i’ll defintely read your book po
ingatz
-celine657-
hello! poh….
tanong k lang po kung meron na po bang mga new realeses ng MSV na mabibili sa mga bookstore?
naghahanap p ksi ako, kaso wala pang bago…
isa rin po kasi ako sa mga taong naaaddict sa pagbabasa ng MSV…
comment back po kayo ha…
MSV,.
ure gret galing mo talaga
i love ure books
colection ko na kayo sa simula palng
i love reading PB since i was seconyear hyskol,.
pampagana sa review hehehe
nakakarelax para sa akin,.
sana tuloy tuloy pa
at marami pa ang mapasaya ninyo sa books nyo,.
GOD SPEED,.
hello po
pwede po sa sunod nyong books name ko po ung bida at ng husband ko,.wish ko lang po,.malapit na kasi bday ko,.idagdag ko lng po sa colection ko,.
hi audrelyn!
sino sa authors ang gusto mo? iwan mo na names niyo, may pi-pick up niyan, promise. =)
naku, audrelyn baka hindi umabot sa birthday mo kung ngayon pa lang susulatin. pero tama si edith, game na anong mga pangalan?
kung sisimulan ngayon, baka umabot sa next birthday mo. hehehe.
In the meantime, Happy Birthday! at salamat sa pagtangkilik sa MSV
diozelle, speaking of names, kaiba ang user name mo ha. Most of the new releases ay nasa National Bookstore na ngayon, visit ka ulit.
salamat din sa pagtangkilik mo sa MSV.
ay, korek! haha! audrelyn, happy happy birthday!
patuloy ka sanang maging taga-tangkilik ng MSV! mwah!
Diozelle, may kilala akong dioselle naman
Like your name. Si Audrelyn din unique ang pangalan…
Yung Edith Joaquin saka Carla Giopaolo parang pamilyar…
Ehek! Mga idol ko pala yun! Kaya pala! Bwahahaha
wag na pag-usapan mga pangalan at wala ako maipagmamalaki. wuhuhu!
basta, pipz, bili na lang nang bili ng MSV books!
rock n roll, yeah!!!
elise… gibuang ka day! hahaha! mas sikat ka sakin eh, no? (pamilyar ba yung line?)
Yumi, maganda din ang pangalan mo ayaw mo lang tanggapin!
Edith, parang na-autograph na sa’kin yan minsan hahaha sus, sikat sikat ka dyan. Sikatchupoy pwede. Antayin nating lumabas si Kyle…
weeee..nakikigulo na rin…=)
Hello po Miss Cassandra Victoria, I read your novel
Yung Reluctant Bride po..
I found it nice kaya lang po medyo parang may times na fast pacing yung pag-story nyo…para lang po yun sa opinion ko…
Pero I really like the way you write kasi po funny po ung ibang scenes sa story and I find it enjoying…
Also, nagustuhan ko po yung twist nang story nyo sa ending..
I was really shocked kasi po all along hinate ko yumg father throughout the story, but when I read the ending, it’s really amazing..
And I really think yung ending po nyo and of course the story itself is great…
Cgeh po, God Bless…
More Powers po sa MSV…! ^^,
thanks shaishai. Keep reading MSV. PS ang name ng guy sa story ay pangalan ng kaklase ko. And he’s so cute. Hehehehe
Hahaha…Sumakit ang tiyan ko sa katatawa after reading My Italian Romance by Lorry Virgo.