Please note: The prices below do not include shipping costs. After placing your order, you will receive an e-mail with the total price and information on how you can make your payment.
We also have a limit on how many you can order: For Local online buyers, the minimum order is 2 pcs and the maximum is 400 pcs. For International online buyers, the minimum order is 10pcs and the maximum order is 60pcs. Please refer to our FAQs page for more information. Thank you!
Sudoku Volume 17
Over 200 exciting puzzles!
Sweet Disguise
By Lily Ann Muñoz
Naghimagsik ang kalooban ni Carlene nang muling buhayin ng mga magulang niya ang ideyang ipagkasundo siya kay Riggs, ang pilyong kababatang labis niyang kinaiinisan noon. Nakakaasar na ngang hindi siya ang pipili ng mapapangasawa niya, iyong lalaking hindi pa niya gusto ang pinili ng mga ito!
Pero malayo na si Riggs sa noon ay batang kinayayamutan niya. Now she found him likeable, funny and sweet. Pasado itong husband material dahil bukod sa guwapo ay matalino at mayaman pa. She could swear she could fall in love with him—kung nagkataong hindi umiimbay ang balakang nito kapag naglalakad at hindi ito parang Eba na naligaw sa katawan ng isang Adan....
Heal My Heart
By Doreen Laroya
Totoong naiinis si Grey kay Dani. Hindi niya gusto ang kaprangkahan nito, ang hayag na pagpapakita ng pagkagusto sa kanya, ni ang masyadong moderno nitong pagdadamit. Kumpiyansa rin ang dalaga na mutual ang atraksyong iyon sa pagitan nila at may lakas pa nga ito ng loob na hamunin siya para itanggi iyon. Ang mas nakakainis, they both knew she was right.
Pero wala sa plano niyang i-indulge ang anumang damdaming iyon na pinupukaw ni Dani sa kanya. Nagbalik-Pilipinas siya para makalimot sa naunsyaming engagement, at walang-wala sa plano niyang muling isuong ang sarili sa panibagong sakit ng kalooban. At iyon ang siguradong mapapala niya kapag hinayaan niyang mahulog ang loob sa dalagang kagaya ni Dani....
Cupid In Love
By Monica Bautista
Perfect candidate si Isay para sa plano ni Marco. Dahil maasikaso, malambing at loyal ang dalaga, sigurado siyang ito ang kailangan ng kanyang pinsan na si Francis para tuluyang malimutan ang ex-girlfriend nito at maharap na nang tuluyan ang career bilang sikat na mang-aawit. Malaking tulong pa na kahawig ni Isay ang babaeng nang-iwan sa pinsan niya. Kaya kinontrata niya si Isay para maging ‘perfect girlfriend’ ng singer. Hindi naman na kailangan pa ng pahirapang paliwanagan para kumbinsihin si Isay; agad itong pumayag dahil diehard fan ito ni Francis.
Everything that Marco had planned went out well, pero nagsimula siyang mairita nang tila nagkakagustuhan na nga ang dalawa. Then he realized the hitch in what he thought was a perfect plan: siya mismo ay nahulog ang loob kay Isay—that same woman he wanted his cousin to fall in love with....
Cross My Heart
By Ianne Lei Lauren
Sa tingin ni Bella Valencia, tama lang na parusahan ng mga magulang nito si James Bermudez. He was the most selfish man she had ever known. Sa halip na tumulong sa magulang sa negosyo, pulos pambababae ang inaatupag ng herodes.
Pero bakit naman sa dinami-dami ng maaaring gawing parusa, ang maging Marketing Director ng Advercom pa ang ibinigay sa binata? That meant she would be working directly with him! Close man sila noong kabataan nila, hindi niya gustong makasama sa isang lugar ang lalaking wala yatang salitang ‘responsibilidad’ sa bokabularyo. Ni hindi nga ito marunong tumupad sa pangako.
Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso when James started to openly tease her....
Heartless
By Ella Gualvez
Kung may matitirhan lang si Veronica na iba, hindi siya makikisiksik sa bahay ni Andrei at nang hindi iyon magamit na pang-blackmail ng lalaking kaligayahan yatang inisin siya dahil lang bad trip ito. Imbis na napapahinga siya dahil semestral break, ginawa siya nitong glorified alalay sa shooting ng pelikulang dinidirect nito. Naging frustration absorber siya ng topaking binata na siguradong landslide winner sa Pinakamasamang Ugali Award kung nagkataong mayroong ganoon. At sa malas, siya ang laging biktima nito.
Pero pakiramdam ni Veronica, nangalahati ang life span niya sa bago nitong paraan ng pangbu-bully: he was flirting with her—cornering her sa bawat pagkakataong makukuha nito, and teasing her with his nearness and attempts to kiss her.
Mukhang nadiskubre na ni Andrei na tinatablan siya ng charm nitong hindi naitago ng sobrang kasungitan....
Until You're Mine
By Dream Giban
Kabaligtaran ng inaasahan ni Cheska, hindi galit si Desmond sa kanya sa muli nilang pagkikita. Sa halip, parang nagbalik ang dati niyang best friend na nawala dahil sa rejection niya. Marahil sa sobrang tagal ng panahong lumipas na hindi nila pagkikita, hindi na nito ikinokonsiderang mahalaga ang namagitan sa kanila noon. O kaya ayaw na nitong maalala ang minsang pag-ibig na inalay nito para sa kanya.
Ngunit nadiskubre niya sa sarili na mahal na niya si Desmond nang maramdaman niya ang pananabik na muling banggitin ng binata ang mga katagang tinalikuran niya noon....
Updating...



Recent Comments