Please note: The prices below do not include shipping costs. After placing your order, you will receive an e-mail with the total price and information on how you can make your payment.
We also have a limit on how many you can order: For Local online buyers, the minimum order is 2 pcs and the maximum is 400 pcs. For International online buyers, the minimum order is 10pcs and the maximum order is 60pcs. Please refer to our FAQs page for more information. Thank you!
A Recipe For Romance
By Mika Edelstann
Ang kanyang vegetable garden, negosyo at ang trabaho niya bilang aikido instructress—iyon lang ang iniikutan ng mundo ni Hero. Walang social life ang dalaga so malamang boring ang tingin ng iba sa buhay niya, yet, she’s happy. Mas mabuti nang doon niya ituon ang panahon; ayaw na niyang maulit iyong naranasan niyang sakit noong indyanin siya ng kanyang nobyo sa altar.
Ngunit tila biglang nagkaroon ng spice ang buhay niya mula nang matagpuan ang isang nilalagnat at dehydrated na estranghero na nakalupasay sa garden niya. Off-limits sa mga lalaki ang bahay niya, pero hindi kaya ng konsyensya ni Hero na ipagkait ang tirahan habang nagpapalakas ang binata na isa palang chef. At malaki ang maitutulong ng mga inimbento nitong luto sa negosyo niya.
She had never guessed fate itself was cooking for them a recipe for disaster… or was it a recipe for love?
Take Me To Your Heart
By Faith A. Teodoro
Ordinaryo lang ang buhay ni Zoe. May masaya siyang pamilya, maayos na trabaho. Hanggang sa maging kaibigan niya si Drake, ang misteryosong officemate nila. Napakabilis ng lahat, mula sa katrabahong ni hindi siya kinikibo, naging nobyo niya ito.
Simula nang maging sila ay parang inulan siya ng grasya. Bukod sa naging magaan ang mundo niya, na-promote pa siya sa trabaho. Ang akala niya ay perpekto na ang lahat at wala na siyang mahihiling pa.
Hanggang sa matuklasan niya na ang ‘perpekto’ na buhay niya ay isa lamang palang kasinungalingan—ang pamilya niya, ang promotion at…pati si Drake?
Hindi niya halos mapaniwalaan ang huli. Hindi na rin alam ni Zoe kung aling bagay tungkol sa kanila ng binata ang totoo, at alin ang bahagi ng panloloko....
Ayaw Ko Sanang Mahalin Ka
By Leira Carlos
“Look, Conner, whatever impression you have of me, it’s wrong. I have a boyfriend and... malapit na kaming ikasal,” tangkang paliwanag ni Lauren, hoping he would just give up on her. Pero sadya yatang determinado ito.
Mataman siyang tiningnan ng binata. “Gusto kita at alam ko, the feeling is mutual. You only need to be honest with yourself and admit how you really feel about me.”
Alam niyang kasalanan niya rin. Kung hindi niya tinugon ang halik nito, wala sana itong makakatuwiran.
“I just want to have a peaceful life with my fiancé.”
Nagdilim ang anyo ni Conner. “You will be mine, Lauren, no matter what it takes.”
His tone frightened her—over and above, the too intense emotions she felt for him this soon....
Dean's Kiss
By Olivia Ray
Isang lalaking pasuray-suray sa paglakad ang nakita ni Charlotte na dumaan sa bintana ng bahay na ipinamana ng kanyang abuela. Iyon ang unang pagtapak niya roon matapos ang ilang taon.
Dapat matakot siya; walang kuryente at nag-iisa siya. But the stranger was too drunk to be feared. Nakita niyang humilata ito sa sahig at pagkatapos ay nag-pass out na.
Marahan niya itong nilapitan. Nalaglag ang panga niya nang makilala ang estranghero—it was Dean, isang dating kaibigan.
Kumabog ang dibdib niya nang maalala kung paano nagtapos ang ugnayan nila: She had asked Dean for a kiss, and that cost Charlotte her best friend and her first love....
First And Forever
By Aira Felicity
Nasaksihan ni Neil ang pagdadalaga ni Jasmine.
Mula noong maulila ito sa mga magulang, siya na ang tumayong magulang, kapatid, best friend, protector nito—he was practically everything she needed.
Ngunit nagbago ang lahat isang gabi. Napansin niya, his little girl had grown into a very beautiful woman and it roused confusing and intense feelings inside him—na hindi tama.
Kaya ginawa niya ang sa tingin niya ay nararapat: nang masigurong kaya na nitong hindi dumepende sa kanya, tinakasan niya ang sitwasyon at iniwan ang dalaga. He had to protect her from himself… and shield himself against the impending heartaches.
Hindi akalain ni Neil na sa pagbalik niya ay matatagpuan niyang naroon pa rin ang damdaming iyon sa puso niya para kay Jasmine—and it was much more potent.
Safe In Your Arms
By Edith Joaquin
“Gusto ko lang sanang magpakilala sa ’yo nang pormal,” anang lalaking humabol kay Ina.
Tanda pa niya ang kapreskuhan nito noong una silang nagkaengkuwentro kaya nagtaray siya. “At bakit, sa palagay mo, magkakainteres akong makilala ka? Na guwapo….” Natigilan siya nang tumambad sa paningin niya ang nakaburdang pangalan sa uniporme ng lalaki: Lt. Kyle Magdayao. Napatayo siya nang tuwid at masama ang loob na sumaludo rito. “Begging your pardon, Sir.”
He gave her a disarming smile. “I will accept your apology kung papayag kang mag-date tayo.”
Bukod sa bawal tumanggi sa isang senior officer, hindi niya rin iyon magagawa dahil sa mga mata nitong napakalagkit tumingin. “Sir, yes, Sir,” aniya.
Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki....
Dream Master
(Dreams Café: Book 4 of 4)
By Carla Giopaolo
Sa halip na ang pinaplanong muling pag-alala sa bittersweet memories ng una niyang pag-ibig, pagsusungit sa kasama sa bahay ang ginawa ni Isabel nang makarating sa Angel’s Cove. Hindi niya inasahan na may aabutan siyang isang estranghero sa bahay-bakasyunan ng kanilang pamilya. Granted pinapantasya ito ng buong Pilipinas dahil sa talent nito sa pagkanta at nakakakilig na kaguwapuhan, wala siyang pakialam. Hindi pa rin niya gustong nagugulo ang mga plano niya.
For a control freak like her, sakit sa ulo ang dulot ng mga sorpresa—and yes, kahit pa kasing-guwapo ni Jude Escalante ang surprise na iyon!
Updating...



Recent Comments