Online Bookshop

Please note: The prices below do not include shipping costs. After placing your order, you will receive an e-mail with the total price and information on how you can make your payment.

We also have a limit on how many you can order: For Local online buyers, the minimum order is 2 pcs and the maximum is 400 pcs. For International online buyers, the minimum order is 10pcs and the maximum order is 60pcs. Please refer to our FAQs page for more information. Thank you!

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25

Mismatched Lovers

By Nicole Stephanie

Additional DescriptionMore Details
     Nang tanggapin ni Sabina ang pagtuturo sa mga high school dropouts sa ilalim ng programang Alternative Learning System, hindi niya akalaing magbabago ang ikot ng kanyang mundo. Karamihan sa mga estudyante niya ay ilang taong nang hindi nakapasok sa eskuwela. But she had to admit there was something about these students that touched her heart—especially the tall, dark and handsome thirty-four-year-old guy who would always sit in the second row. Alam niya, hindi imposible kung mahulog man ang loob niya sa misteryosong si Sylvester Anonuevo.
     Pero hindi niya pa alam kung magagawa ba niyang isaisantabi ang nag-iisa nitong kahinaan at tuluyang ipaubaya sa lalaki ang puso niya....

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...

Mahal Kong Alipin

By Satine Ortega

Additional DescriptionMore Details
     Matapos ang tatlong taong pamamalagi sa Amerika ay bumalik si Carlo sa bayan ng Valladolid para asikasuhin ang libing ng pumanaw na ama at halinhinan ito bilang panginoon ng Hacienda Armendariz.
     Labag man sa loob ni Annabel dahil galit siya sa pamilya ni Carlo, kinailangan niyang ibigay ang sarili sa kababata para makaiwas sa pinsan nitong si Roman.
     Minsan sa nakaraan niya ay inibig niya ang binata at somehow, naniniwala siyang minahal din siya nito.
     Pero kaya bang ibalik ng isang gabi ng mainit na pagniniig ang kanilang naunsyaming pag-ibig?

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...

If Your Heart's Not In It

By Audrey Torres

Additional DescriptionMore Details
     “Ikaw ang kaibigan ni Janine,” ani Arild na sinipat ang kanyang mukha.
     “At ikaw ’yung pervert na humalik sa akin sa tabing-daan!” maasim na tugon ni Brigitte.
     “So, you still remember me.”
     “Hindi ko nakakalimutan ang mukha ng mga pervert na katulad mo,” irap niya.
     “I want to apologize sa pangyayaring iyon,” anang binata. “I can’t bear somebody thinking that way about me.”
     “Does it matter what I think?” tanong niya.
     “Ikaw lang ang hinalikan ko, Miss Ledesma,” protesta nito. ”I am afraid, magkikita tayong muli, sa ayaw mo’t sa gusto mo.”
     “Huwag kang mag-alala,” maasim niyang tugon, “I will definitely avoid you.”
     Iyon ay kung ganoon lamang iyon kadali, him being her best friend’s fiancé....

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...

Sasha's Romance

By Johanna Zeya

Additional DescriptionMore Details
     Kontento na si Sasha na ang tanging romance na mayroon siya ay iyong sa mga librong sinusulat niya. Masaya na siya basta masaya ang ending ng characters niya. Parang in love na rin siya kapag nai-in love ang heroines niya sa mga heroes na nilikha niya. Hindi niya naisip na siya man ay kailangan ng magandang love story… until she met Dan.
     Sa paghahanap ng bagong environment na conducive sa pagsusulat, napadpad siya sa isang malaking bahay at nakilala ang binata. Feeling real-life heroine siya sa kilig kapag kasama ang lalaking pasadong-pasado na maging hero sa mga nobela niya. Pero iyon nga ba ang romance na inaasam niya?
     Hangga’t hindi siya sigurado sa tunay na relasyon ni Dan sa babaeng mukhang buhay na Barbie doll, duda si Sasha na happy ang ending ng love story niya....

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...

Sudoku Volume 17

Over 200 exciting puzzles!

PHP74.75Price:
Loading Updating cart...

Sweet Disguise

By Lily Ann Muñoz

Additional DescriptionMore Details
     Naghimagsik ang kalooban ni Carlene nang muling buhayin ng mga magulang niya ang ideyang ipagkasundo siya kay Riggs, ang pilyong kababatang labis niyang kinaiinisan noon. Nakakaasar na ngang hindi siya ang pipili ng mapapangasawa niya, iyong lalaking hindi pa niya gusto ang pinili ng mga ito!
     Pero malayo na si Riggs sa noon ay batang kinayayamutan niya. Now she found him likeable, funny and sweet. Pasado itong husband material dahil bukod sa guwapo ay matalino at mayaman pa. She could swear she could fall in love with him—kung nagkataong hindi umiimbay ang balakang nito kapag naglalakad at hindi ito parang Eba na naligaw sa katawan ng isang Adan....

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...

Heal My Heart

By Doreen Laroya

Additional DescriptionMore Details
     Totoong naiinis si Grey kay Dani. Hindi niya gusto ang kaprangkahan nito, ang hayag na pagpapakita ng pagkagusto sa kanya, ni ang masyadong moderno nitong pagdadamit. Kumpiyansa rin ang dalaga na mutual ang atraksyong iyon sa pagitan nila at may lakas pa nga ito ng loob na hamunin siya para itanggi iyon. Ang mas nakakainis, they both knew she was right.
     Pero wala sa plano niyang i-indulge ang anumang damdaming iyon na pinupukaw ni Dani sa kanya. Nagbalik-Pilipinas siya para makalimot sa naunsyaming engagement, at walang-wala sa plano niyang muling isuong ang sarili sa panibagong sakit ng kalooban. At iyon ang siguradong mapapala niya kapag hinayaan niyang mahulog ang loob sa dalagang kagaya ni Dani....

PHP32.00Price:
Loading Updating cart...
LoadingUpdating...
Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25

Back To Top

Recent Posts

  • New Release For My Special Valentine!
    Aug 17, 2010
    Here are our new titles for My Special Valentine! Want to read the story teasers? Previews Sasha's Romance Johanna Zeya      Kontento na si Sasha na ang tanging romance na mayroon siya ay iyong sa mga librong sinusulat niya. ...
  • New Release For My Special Valentine!
    Jul 29, 2010
    Here are our new titles for My Special Valentine! Want to read the story teasers? Previews Cross My Heart Ianne Lei Lauren      Sa tingin ni Bella Valencia, tama lang na parusahan ng mga magulang nito si James Bermudez. ...
  • New Release For My Special Valentine!
    Jul 15, 2010
    Here are our new titles for My Special Valentine! Want to read the story teasers? Previews Makuha Ka Sa Tingin Yumi Sagara      Dahil parehong gipit sa pera, nagkasundong magpakasal sina Forest at Isla para makuha ng lalaki ang mana nitong pera mula sa namayapang lolo. ...

Recent Comments

  • On An Invitation to Romance
    • By Autumn08: two days na lang at pwede ng mag-follow up… i know patience is a virtue,.. pero pwede po bang...
    • By edithjoaquin: hi camille! sige lang, go. if you have other concerns, please try reading through the previous...
    • By edithjoaquin: ahay! susmaryosep, na-flatter naman ako ng bonggang bongga. hehehe! namumula yata tenga ko sa sinabi...
    • By Autumn08: @miss edithajoaquin… thanks for welcoming me!!!! i just do hope and pray na pumasa because i...
    • By edithjoaquin: na-greet na pala kita sa chatbox, ulitin ko lang dito. good luck! :)
© 2010 Bookware Publishing Corporation