Please note: The prices below do not include shipping costs. After placing your order, you will receive an e-mail with the total price and information on how you can make your payment.
We also have a limit on how many you can order: For Local online buyers, the minimum order is 2 pcs and the maximum is 400 pcs. For International online buyers, the minimum order is 10pcs and the maximum order is 60pcs. Please refer to our FAQs page for more information. Thank you!
Bestsellers: Never Meant To Hurt You
By Dream Giban
Napakalamig ng boses ni Travis habang pormal na tinatapos ang relasyon nila.
Pepper really believed na minahal siya ng binata sa buong panahon na magkasama sila. He was right. She was being stupid. How could he have loved the girl that caused his mom so much pain? That’s all she’d ever be to him...
Pero kung iniisip nitong magpapakasira siya o maglulunoy sa self-pity, he had another thing coming. Hihintayin niya ang pagkakataon na maipamukha niya sa binata ang mga sinabi nito sa kanya.
And it seemed like hindi niya kailangang maghintay nang matagal....
Bestsellers: Love Trap
By Averiz Gale
Dati ay kontento na si Natalie na binabasa lamang sa libro ang tungkol sa adventure at mystery. Now, she is deeply involved in one such situation.
Ang malupit, murder and passion ang temang nasuungan niya. At siya ang idinidiin sa krimen.
Then there was Julian Miguel Villareal III. Pamangkin ito ng taong makapagpapatunay na wala siyang kasalanan. Ang problema, wala sa bansa ang tiyuhin nito.
There could be something between them. Something sweet, romantic and real. Iyon ay kung maniniwala ang kanyang Knight in Shining Armor na inosente siya.
Ready For Love
By Terri Dizon
Inaasahan ng lahat na mamayagpag ang career ni Kara sa musika, subalit nang pumanaw ang nobyo niyang si Michael ay kasabay rin nitong nailibing ang gana ng dalaga na ipagpatuloy ang pangarap.
Ni wala sa hinagap niya ang pagpasok sa isa pang relasyon nang makilala niya si Ross Trinidad. Bagaman mayabang ang una niyang impression dito, nabago iyon nang makilala na niya nang husto ang lalaki. Bago pa niya namalayan, pinuno na nito ng galak at inspirasyon ang puso niya. She wanted to sing again. At pakiramdam niya, she was ready for love—handa na siya para kay Ross.
But for reasons not clear to Kara ay hindi sumipot ang binata noong gabing pinangako niyang aawitan niya ito....
When Love Comes Along
By Mari Calingayan
Noong una, gusto lang ni Jared na magkawanggawa. Nakikita niyang kailangang-kailangan ni Raven ng driver kaya nang maipagkamali nito na siya ang aplikante para sa nasabing posisyon ay nagpatianod na siya sa sitwasyon. Ngunit habang tumatagal, nababago na ang rason niya sa pananatili sa bahay na iyon. Gusto na niyang tulungan ang dalaga sa pangangalaga sa mga batang kinukupkop nito; ayaw niya itong makitang nahihirapan.
Maaari niyang itama ang maling akala ni Raven at magpakilala bilang kaibigan ng kapatid nito but it would end there. He would have to say goodbye and be on his way.
At parang kinatatakutan ni Jared na dumating ang araw na iyon....
A Charming Accident
By Liana Sky
Aksidente. Iyon lang ang maaaring irason ni Olivia kung bakit naloka siya nang isang gabing iyon at ibinigay ang sarili sa kaibigan ng kuya niya, na iilang araw pa lang niyang nakikilala at nakikitira lamang sa bahay niya. Unang-una, hindi sila nagmamahalan. Pangalawa, hindi niya puwedeng idahilan ang alak na nainom dahil malakas ang alcohol tolerance niya. Pangatlo, may ibang mahal si Travis Yu, na siyang dahilan kaya ito umuwi ng Pilipinas.
Pero ngayong nadiskubre ni Oli na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila, masakit man at alam niyang wala siyang panalo, kailangang mamili ni Travis sa pagitan niya at ng nobya nito....
One Fateful Ride
By Aira Felicity
Ang hinahanap lamang ni Kaye sa bakasyon na iyon ay sandaling kalayaan. Pagkatapos ng ilang linggo ay babalik siya sa Maynila at haharapin ang kinabukasang pinili para sa kanya ng lolo niya—ang pakasalan ang apo ng matalik nitong kaibigan.
Pero may ibang plano ang tadhana. On that one fateful ride, nakatabi niya sa bus si Ranz Javier and her life changed. She fell in love at felt loved. Wala na siyang ibang hiling kundi ang manatili sa piling nito.
Gayunpaman, alam ni Kaye na gustuhin man nilang magkasama habang-buhay, it would not change a thing. Maghihiwalay pa rin sila at ipapakasal pa rin siya sa iba....
His Secondhand Heart
By Camryn Morrell
Hindi puwedeng basta na lamang kalimutan ni Devin ang motto niya: Smart people stay single. Sa loob ng dalawang taon, matapos ang isang matinding heartache mula sa one great love niya, iyon na ang definition niya sa relationships: isang malaking sakit ng ulo. Pangako niya sa sarili, hindi na siya muling papayag na kontrolin ng isang babae ang emosyon niya. Pero mukhang kailangan niyang bawiin ang mga ipangako sa sarili nang makilala niya si Vivienne. He thought she was one of a kind. Hindi niya maitanggi na masaya siya kapag kasama ito—ecstatic pa nga, actually. And he was in big trouble.
Ang hindi niya lang maintindihan, parang excited pa siya sa pagkakataong ito, na magpakatanga at sumugal sa pag-ibig....
Updating...



Recent Comments