Posted on

Get ready for the ultimate MSV online contest!

The Ultimate I lurve MSV Online Contest!

Hey hey hey, mga kupidong in love! Malapit na naman tayong mag-EB! Woohoo!!! Para maging mas masaya ang get-together na ito, may konti kaming pakulo para sa inyo. Dalawang klaseng contest ang ilo-launch natin na gagamitin din nating paraan para i-popularize ang Twitter, FB page and website ng MSV / Bookware and … well, ahehe… getting feedback also from you, our valued friends. :D

Contest # 1: I-status mo kung ano’ng love mo!

Para makasali, gawin ang mga sumusunod:

I-like ang mga fan pages ng MSV

Follow us on Twitter: twitter.com/bookware

Bumisita sa official website: bookwarepublishing.com

Simula 12nn ng August 1 hanggang 12nn ng October 28, mag-post ng status/tweet/comment tungkol sa:

  1. bakit paborito niyo magbasa ng MSV
  2. sino paborito niyong writer at bakit
  3. ano ang mga paborito niyong libro / character / linya / eksena?

May catch nga lang tayo. Extra challenge ito. Bilang 19 years old ang MSV, kailangan 19 words lang ang laman ng statement niyo. Wehehehe!

Ganito po ang format ng pagpo-post:

Sa Twitter:

@bookware (your 19-word statement) #ILurveMSVpromo2011

Sa Facebook:

@My Special Valentine / @My Special Valentine Desire (your 19-word status). I Lurve MSV!

Sa website, bilang comment sa entry na ito:

I Lurve MSV because/kasi/dahil (your 19-word comment)

‘Wag kakalimutan ang hashtag (twitter), tag (FB) at comment field ng entry na ito (website) dahil kung hindi, hindi mamo-monitor ng mga inampalan ang entries niyo.

Sa pagtatapos ng contest, ipi-print namin lahat ng entries at iyon ang magsisilbing raffle entry niyo pag-attend niyo ng EB. Mas maraming tweets/status updates/comments, mas malaki ang chance niyo manalo. Pero hep! sana lang ‘wag paulit-ulit ang mensahe, ano? Iyong ginamit mo na sa Twitter, gagamitin mo pa ulit sa FB at website. ‘Wag ganun. ‘Wag din sanang walang sense. Lagyan niyo namang ng palaman, kahit paano. Otherwise, deretso ‘yan sa paper shredder.

Bubunot ng dalawampung posts sa EB mismo na magaganap sa October 29, 2011 sa…. ay, wala pa pala sa ngayon final venue. Stand by na lang muna. Ia-announce namin yun agad. Basta sa Quezon City. Kung sa iyo ang post na nabunot, congratulations! Kaya lang, dapat andun ka para manalo. Kung wala ka sa EB, wala kang chance manalo.

BUT WAIT! THERE’S MORE!

‘Wag mawalan ng pag-asa kung ‘di niyo kering pumunta. Mapo-forfeit lang naman ang premyo niyo kung nabunot kayo para sa consolation prizes. Iyong mabubunot para sa Grand Prize ay pwedeng mapanalunan ng KAHIT SINO KAHIT SAAN pa man kayo naroon. Kapag nabunot ang post niyo, ipapadala namin ang premyo niyo! We will get in touch you for your address and other contact details. Saya ‘di ba?

O ha! walang loser dito! Hehehe!

Ay, bawal palang sumali ang staff ng Bookware Publishing Corp. at ang nag-oorganisa ng pa-contest na ito. Waaahhh!!! Pero hindi naman losers ang tawag sa kanila (sa amin). Ganiyan lang talaga ang life.

Last na. Ang contest period na nabanggit ay based on PHILIPPINE TIME. So kung nasa ibang bansa kayo na wala sa parehong time zone ng Pinas, kumonsulta sa World Time para hindi ma-disqualify ang inyong entry.

Ang premyo!

Para mas exciting at magkaroon ng kabuluhan ang pagsali sa contest na ito, ang inyong mapapanalunan aaaayyyyy….. *drum roll*

19 Consolation prizes: free books, MSV collectibles at mga bagay na nakakatuwa pero magiging proud ka na mayroon kang ganoon. :D

Grand prize: A brand new tablet!!! yehey!!! Hindi tablet at in Biogesic ha (ingat!). Tablet as in ‘yung slightly less expensive version lang ng iPad. Hehehe…

Contest # 2: Ikwento mo kung ano’ng love mo!

Muli, hindi maaaring sumali sa contest na ito ang staff ng Bookware Publishing Corp. at ang mga nag-oorganisa ng pa-contest. Unfortunately, para sa partikular na contest na ito, HINDI DIN PO QUALIFIED SUMALI ANG MGA PUBLISHED WRITERS. Take note: published writers. Que isa o isandaan na ang napa-publish mong gawa, basta lumabas na ang manuscript mo bilang libro at may byline ka na naka-print sa cover ng libro, pasensiya na po, hindi ka kasali dito. Okay lang kung nakapag-submit ng MS pero hindi pa naa-approve. Keri pa ‘yan.

Ano’ng gagawin ng mga pwedeng sumali?

Ikwento mo sa isang 500-word essay ang take mo tungkol sa ideal love story. Pwedeng kwento mo ito, kwento ng mga magulang mo, kwento ng kaibigan o ng kapitbahay niyo. ‘Wag lang mang-plagiarize, plis! Dapat original. As in true-to-life. Isama mo na din kung bakit naisip mo na ideal ang love story nila.

Tapusin ang iyong entry by telling us, in 100-150 words, ang tungkol sa kung ano’ng nagustuhan mo sa pagbabasa ng MSV at kung ano’ng inaasahan mo pang mabasa mula sa iyong paboritong mga writers. Hindi naman kailangang i-specify ang kwento. Kahit genre lang in general, i.e. gothic, war, action, etc.

Maaaring mag-submit ng marami sa isang entry. I-submit ang inyong entries sa ilurvemsv_ebpromo2011@yahoo.com. Submit your entries in MS-DOC (Microsoft Word) format, with your complete name and contact number. Contest will be open from August 1 at 12:01pm to September 30, 2011 at 11:59 pm. Again, this is based on Philippine time.

Entries will be judged by four pre-selected judges – two writers, one of the editors, and one reader. The judges will select top ten most favorite entries. From these finalists, the judges will deliberate kung alin ang TATLONG pinakabonggang entry para magkamit ng major prizes. The rest of the finalists will receive commemorative tokens of appreciation.

Plus: ipa-publish natin sa Website ang kabuuan ng inyu-inyong essay para naman mabigyan din kayo ng recognition.

Again, kung hindi ka taga-Pilipinas, o hindi taga-Maynila, keribels lang. Kapag nanalo ang entry mo, makakarating sa iyo ang napanalunan mo. :)

ANO ANG MAPAPANALUNAN?

3rd prize: isang Broadband stick! para lagi tayong connected!
2nd prizes: Nokia dual SIM cellphone

At ang Grand Prize…

Dyaraaan!!! Isang bagumbago, nangingintab at walang kapantay na…

LAPTOP!!!

Woot woot!!!

O, ayan mga friends! Gawin nating uber exciting ang muli nating pagsasama-sama! Sali na! Sa contest at sa EB ha! Pero ano’t anuman, MARAMING SALAMAT SA INYONG WALANG SAWANG PAGTANGKILIK SA NAKARAANG LABINSIYAM NA TAON! Sana’y magkasama-sama pa rin tayo sa maraming taon pa na darating!

Contest has ended. Thank you all for your submissions! Good luck and see you all tomorrow! :)