Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

My Best Friend’s Boyfriend

By Jade Anne Franco

     Boyfriend ng tanging best friend ni Samantha si Troy. Dahil doon, maling magkaroon siya ng hidden desire para sa binata. Kaya ginagawa niya ang lahat para itaboy sa isip ang anumang damdamin niya, kesehodang nag-uumalpas sa kanyang puso ang pagtingin sa lalaki. Tinatarayan niya ito para itago iyon, tuloy ay wala silang ginawa kundi magdiskusyon kada magkikita.
     Kaso dumating ang pagkakataong nagkasama sila sa trabaho and that is when Samantha started feeling like she’s losing control of her emotions for Troy. Pero paano naman ang best friend niya? Ilang taon na niya itong ‘pinagtataksilan’ emotionally, hindi niya kayang tuluyang lokohin ito….

The Heart Remembers

By Carla Giopaolo

     “Daisy?” Hinaplos ni Isaac ang buhok sa gilid ng kanyang mukha. “Kung wala akong maalala, how do I remember feelings?”
     Kumunot ang noo ng doktora. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
     “Kung wala akong memory ng kung ano ang pakiramdam ng pagmamahal, paano ko malalaman if I am falling in love with you?”
     She stared into his eyes and took a deep breath. “Malalaman mo. Kapag hindi mo na kailangang tanungin pa sa akin kung paano mo malalaman. When your heart is telling you for sure, then, you will know.”
     Iyon din mismo ang pangyayaring kinatatakutan niyang dumating. Ginawa na talagang komplikado ng damdamin niya ang sitwasyon nila….

My Sweetheart Enemy

By Chelsea Enriquez

     “Kung ano man ang iniisip mo, huwag mo nang ituloy dahil talagang sasamain ka,” ani Lorelei nang mapansin ang malagkit na titig sa kanya ni Nicko.
     “Wala pa nga akong iniisip. Binigyan mo tuloy ako ng ideya,” nakangising sagot nito.
     Ilang sandali pa ay nakadagan na ito sa kanya habang nakahiga siya sa sofa. Lalong kumabog ang dibdib niya nang magtama ang mga tingin nila.
     “Yaman din lang na wala na akong lusot dito, baka puwedeng unahin na natin ang honeymoon?” anito.
     Inakala niyang biro lang iyon ngunit nang maramdaman niya ang mga labi nito sa kanyang bibig, saka napagtanto ni Lorelei na seryoso ang kanyang kababata na i-seduce siya….

Forever Mine

By Jasmine Han

     “So what’s stopping you from spending this whole week with me?”
     “Hello?” ani Angela sa lalaki. “My good reputation! Lalaki ka, babae ako. Ni hindi tayo magkakilala!”
     “No one knows you’re with me. No one ever needs to know.”
     The idea was very tempting. Mas mainam nga sigurong mag-unwind siya kaysa i-torture ang sarili sa pag-iisip sa taksil niyang ex-boyfriend. Pero…
     “Come on, no strings attached,” ani Jason nang maramdaman ang pag-alangan niya.
     Iniabot ni Angela ang kamay rito matapos sandaling mag-isip. “Okay, deal.”
     She was a fool to believe that was possible—makasama ang isang highly attractive man at walang mangyaring milagro sa kanila….

Ikaw Pala Ang Minahal

By Edith Joaquin

     Eight years mula noong huli silang nagkita, hindi pa rin alam ni Diego kung bakit ganoon pa rin ang epekto ng babaeng iyon sa kanya. She made him burn! Kilala siyang cool na tao, iyon ang puhunan niya sa pagiging magaling na negotiator. Bakit pagdating kay Tamara del Rosario, naghuhuramentado ang damdamin niya?
     Hindi rin niya maintindihan ang iritasyon nito sa kanya. He would have thought she’d outgrown all that hostility. Sa sobrang volatile ng personality nila, madadaig pa ng pagsasama nila ang ilapit ang isang posporong may sindi sa sumisingaw na LPG tank.
     Saan nanggagaling ang lahat ng iyon? And why does it still matter so much? Regardless sa anumang damdaming kinikimkim niya para sa dalaga, wala iyong halaga. Ikakasal na ito sa best friend niya….

Kapag Tunay Ang Pag-ibig

By Doreen Laroya

     Sabi-sabi, may kakambal daw na sumpa si Eiric.
     Pero hindi siya naniniwala roon. Hanggang sa isang matandang babae ang di-sinasadyang nabuwal sa harapan niya at napahawak sa kanyang kamay. Bigla na lang lumabas sa bibig nito ang mga salitang hindi niya maintindihan. Sinabi rin nito na isang malagim na kamatayan ang naghihintay sa kanya at ang tanging makakapagligtas sa kanya ay isang babaeng nagngangalang ‘Ana’. Pero hindi nito sinabi kung paano at kung saan niya ito makikita.
     Sa tulong ng matanda na si Annika, naging malinaw sa kanya ang tungkol sa sumpa. Magkasama rin sila nang aksidenteng makilala niya si Ana. Ngunit sa halip na mabunutan siya ng tinik, lalo siyang nalito. This time ay kailangan niyang mamili: puso o buhay?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!