Want to read the story teasers?
My Private Dancer
La Danza De Amor (Book 1 of 6)
By Doreen Laroya
Certified playboy ang race car driver na si Ralf. Para sa kanya, may expiration date ang isang babae. Hanggang isang buwan lang ang mga ito. Pero na-curious siya sa self-confessed man-hater na si Madison. Nagkakilala sila sa isang stag party kung saan binayaran ang babae upang magsayaw. Attracted kaagad si Ralf sa hard-to-get image ng dalaga. Isang challenge ang naging tingin niya rito.
Sinubukan niyang i-pursue ito. Hindi siya naniniwalang wala siyang mahihita sa paghabol sa mananayaw. He wants Madison and he wants the sexy seductress to be aware of that strong need gnawing inside him… and maybe, she can help him satisfy it.
To Tango With Love
La Danza De Amor (Book 2 of 6)
By Doreen Laroya
Napilitang umuwi ng Pilipinas si Guiller dahil sa balitang nakarating sa kanya. May kinalolokohan daw na babae ang sixty-five-year-old niyang ama. Ang salarin—isang twenty-five-year-old dance instructress ng STEPS.
The first time na nagkita sila ni Maia, pulos pasaring na ang ibinigay niya rito. But to his surprise, ngumiti lang ito and even invited him to dinner.
Her smile and her sweet voice melted the anger in his heart. Bigla ay gusto na rin niyang mahumaling sa dalaga kahit pa mangahulugan iyon na magiging magkaribal silang mag-ama.
Di-hamak na mas kaakit-akit siya kaysa sa kanyang ama. At kung hindi iyon napapansin ni Maia, well, ipapakita niya….
A Waltz To Remember
La Danza De Amor (Book 3 of 6)
By Doreen Laroya
A starry night…
A masked prince…
An enchanting waltz music…
It all seemed part of a wonderful dream. Pero hindi guni-guni ang lahat dahil nagising si Natalya kinabukasan sa isang di-pamilyar na silid, naked and no longer a virgin. Makalipas ang tatlong linggo, nalaman niyang nagbunga ang isang gabing iyon.
Then came Stefan LaCroix, ang Filipino-French-American na big boss nila. Inamin nitong ito ang ama ng kanyang dinadala at kaagad siyang inalok ng kasal.
Nalilito man, tinanggap niya iyon. Until she discovered the painful truth; everything about that magical night was staged. Dahil siya ang ginawang collateral ng boyfriend niya sa utang nito kay Stefan….
Until I Met You
By Sophia Beatriz
Rui Montelibano was the most sought-after good-looking singer-composer until he retreated from the public eye dahil sa isang iskandalong kinasangkutan nito. Huge fan ng binata ang nanay ni Cassandra Acosta. At dahil mahal na mahal niya ang inang may-sakit, ninais niyang bigyan ito ng isang magandang regalo sa ikaanimnapung taong kaarawan nito, at iyon ay ang mapapayag si Rui na kumanta sa birthday party ng matanda.
Which she did on his terms and conditions. At isa na roon na dapat ay walang lumabas na litrato o video nito mula sa party ng kanyang ina. Dahil kung meron man, pagbabayaran niya mula sa dalawang options na ibinigay ni Rui—ang mapunta sa binata ang pinakamamahal niyang flower shop o ang maglingkod siya rito bilang maid nito sa loob ng dalawang buwan….
Heart Of Freedom
By Mika Edelstann
Hindi natuloy ang kasal ni Gerianna matapos mangumpisal ng kanyang fiancé na isa itong closeted gay. Bunsod niyon, sinundan-sundan na siya ng press people at mga lalaking nagbalak pa siyang dukutin, mga sugo ng muntik na niyang maging mother-in-law.
Mabuti na lang at sumulpot ang kanyang accidental savior; isang misteryosong estranghero na nagpapaimprenta ng manuscript sa printing press ng kanyang ama at nagkataong naroon noong muntik na siyang mapahamak. Habang tinatrabaho nila ang libro nito, hindi niya napigilang mapamahal sa binata.
But it seems loving Zaccheus means setting this free warrior go….
Beautiful Stranger
By Marielle Gonzales
“Mali ang ginagawa natin, Justin. By posing as your girlfriend, para na rin natin silang niloko. And I don’t like it,” paliwanag ni Sarah.
“Kung sa tingin mo niloloko natin ang mga magulang ko dahil sa ginagawa natin, bakit hindi na lang natin totohanin ang lahat?” sagot ni Justin. “Dalaga ka at binata ako. We complement, respect, and trust each other. If truth be told, I like you. I like you more than I like anybody else. Maaari tayong magsimula sa ganoon, hindi ba, Sarah?”
Her heart was beating rapidly after hearing his offer. Nakaramdam din siya ng unti-unting pagkatuyo ng lalamunan. Sapat na nga bang nagkakasundo sila? Isa lang ang alam ni Sarah. Kung sasang-ayon siya sa planong iyon ni Justin, hindi ang utang-na-loob niya rito ang punong rason….
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!