Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Love At First Dance

La Danza De Amor (Book 4 of 6)

By Doreen Laroya

     Typical girl-next-door type si Elina at hindi exotic beauty na siyang tipo ni Jace. At kahit aminado siyang maganda ang dalaga, hindi niya nakita ang sarili na ma-a-attract dito.
     Hanggang sa minsang mapanood niya itong magsayaw ng lambada. Hindi niya nagawang alisin ang mga mata sa babae habang gumigiling ito at umiindak. Parang hindi sayaw ang ginagawa nito; tila nang-aakit ito.
     Her sensual movements sent ripples of sexual heat throughout his body, putting perverted thoughts inside his head.
     Needless to say, he suddenly wanted Elina….

Rhythm Of The Night

La Danza De Amor (Book 5 of 6)

By Doreen Laroya

     “W-what are you doing?” kabadong tanong ni Jenna.
     Alaric guided her hand over his chest down to his stomach and up again to his side. “Classical ballroom dances are mostly intimate, with a lot of physical contact between partners. Ibig sabihin, I have to hold you and you have to hold me. Paano mo ako matuturuan nang maayos kung naiilang kang hawakan ako?”
     “H-hindi ako naiilang. I’ve been doing this for years…”
     “Then, why are you trembling?”
     “Alaric, I… I don’t think this is a good idea.”
     Lumapad ang ngisi niya. “Why? Wala namang malisya itong ginagawa natin. Or, wala nga ba?”

Every Step You Take

La Danza De Amor (Book 6 of 6)

By Doreen Laroya

     Naatasan ang former NBI agent na si Mason Salcedo para protektahan si Kelly Villapanta, ang nag-iisang saksi sa isang karumal-dumal na krimen na naganap fifteen years ago. Kailangan niyang gawin iyon discreetly dahil walang kaalam-alam ang sikat na International Dancesport champion na nanganganib ang buhay nito. For some reason, she blocked the tragic memory of that fateful night from her subconscious mind. Mistula itong may amnesia.
     Inakala niyang hindi siya mahihirapan dahil sanay naman siya sa mga undercover jobs. But the stirring on that part below every time he sees her shocked him. Diyata’t pinagnanasaan niya ang dalagang nangako siyang poprotektahan?

Miss Conservative

By Maristella Feliz

     “Be my exclusive date for a while,” ani Faith kay Cliff. “’Tapos, ituro mo sa akin ang iba’t ibang strategy ng mga lalaki sa panliligaw.”
     Napailing siya sa kalokohang naiisip ng dalaga. “I’m not really convinced with this scheme, Faith.”
     Napasimangot ito. “Kung ayaw mo akong tulungan, I will ask the first available man to do the job for me.”
     “But that’s blackmail,” ungol niya sa kawalan ng magawa. Tila yata biglang nawala ang konserbatibong dalaga na kilala niya mula pa pagkabata. Ang nakikita niya ngayon ay isang desperada at malungkot na babae.
     Mapapatay talaga niya ang lalaking iyon na naging dahilan para magbago si Faith….

Nang Umawit Ang Puso

By Terri Dizon

     Sigurado si Maila, bad trip na sa kanya ang bagong presidente ng kompanyang pinapasukan niya. Tatlong beses na niyang dinulutan ito ng disaster! Mukhang markado na talaga siya sa mga mata ni Nathaniel Villanueva III. Sayang, hinahangaan pa naman niya ang binatang boss.
     Pero nalaman niya, mag-ju-judge ang lalaki sa singing contest na gaganapin sa kompanya nila. Ayan, may tsansa na siyang mapansin ng crush niya. Sana lang ma-in love ito sa golden voice niya….

Suddenly In Love

By Darlene Bollon

     Ipinagkasundo ng pamilya ni Melissa para ipakasal ang pinsan niyang si Berna sa isang lalaking halos di nila kilala. Nag-walk out ito dalawang araw bago ang kasal at ikinagulat iyon ng lahat. At si Melissa ang pinagbibintangan ni Zaldy, ang supposed-to-be groom, na siyang may kasalanan sa nangyari. Hindi niya alam tuloy kung paano dedepensahan ang sarili sa kanyang mga kapamilya na naniwala sa binata.
     And worse, si Melissa ang paghihigantihan at pagbabayarin ng nabigong binata sa natamo nitong kahihiyan sa publiko….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!