Want to read the story teasers?
No Sweeter Love
By Tina Vaughn
Maligayang Pagdating sa Union
Populasyon: 994
Town Motto: Kung saan walang lihim na hindi nahahayag
Dahil sa pagkamatay ng ama, napilitan si Dr. Ryan Williams na bumalik sa bayang kanyang sinilangan—at sa babaeng iniwan niya sampung taon na ang nakakaraan. Alam niyang mas makabubuting iwasan na niya ang Union sweetheart at police officer na si Emily Winters sa pagbisita niyang iyon. Pero paano? Habang nakakulong sa maliit na bayang iyon, pinaglalabanan niya ang atraksyon na hindi pinakupas ng panahon, pero hindi maiiwasan ang apoy sa pagitan nila—at ang mga tsismis. Ang parehong mga usapin na naging dahilan ng pag-alis niya sa Union in the first place.
Itinuro ng karanasan kay Emily na panatilihing nakataas ang depensa—at panties—niya. Hanggang sa bumalik si Ryan kasing-bilis ng pag-alis nito noon, at hinaruyo siya ng mga pangakong alam naman niyang hindi nito kayang tuparin. O iyon lamang ang inisip niya. Ang bago at mas mature na Ryan ay may kakayanang magbigay ng habang-buhay, at kung iaadya ng Diyos, kapatawaran. Dahil habang inaaral nilang muling magtiwala at magmahal sa isa’t isa, alam ni Emily na sa oras na ihayag niya ang kanyang sekreto, hindi maiiwasang muling mabiyak ang puso niya….
The One
By Lora Leigh
Mas tumindi ang pagtingin ni Brenna para kay Jase—mula sa isang crush ay naging nakapapasong pagnanasa iyon; isang masakit na pangangailangan, isang kirot na walang katugon dahil hindi ganoon ang damdamin para sa kanya ng sexy Texan. Tila pinatigas ang loob ni Jase ng isang proviso sa iniwang habilin ng ama nito. At ngayon, kailangan niyang tiisin ang tatlong buwan kasama ang binata sa ilalim ng iisang bubong. Tatlong buwan na puno ng pahirap at tension, at pagkatapos ay matutupad na ni Brenna ang isinasaad ng proviso; magiging malaya na siyang bawiin ang pusong inangkin na ni Jase sa loob ng mahabang panahon.
Mula noong eighteen siya, pinrotektahan na ni Jase si Brenna—mula sa sarili niya, kung paanong iningatan niya rin ang dalaga mula sa iba. Ngunit ang mamuhay kasama ito ay sobra-sobra, kahit para sa mala-bakal niyang determinasyon. Kukuhanin niya ang para sa kanya, aangkinin ang magandang katawan ni Brenna sa mga paraang noon ay pinangarap lang niya. At sumpain siya kung pakawalan pa niya ito.
Hindi maikukumpara sa init ng tag-araw sa Texas ang nag-aalab na pagnanasa sa pagitan nila nang isuko ni Brenna ang lahat kay Jase—sa nag-iisa at tanging lalaking minahal niya….
What Price Paradise
By Katherine Allred
Buong buhay niya pinanindigan ni Tate McCullom ang pagiging responsable at respetableng lalaki. Hanggang sa gabing malasing siya at sumiping sa isang estranghera.
Ngayon, anim na linggo pagkatapos, buntis ang babae, nag-iisa at walang-wala. Minsan pa, kailangan ni Tate na akuin ang responsibilidad sa nagawa, at plano niyang pakasalan ang ina ng kanyang magiging anak.
Isa lang ang problema… kailangan niyang ipaalam iyon sa kanyang nobya.
Hindi madali ang buhay para kay Abby Grayson. Bilang anak ng prosti ng bayan, ilag sa kanya ang mga tao, kung di man iniisip ng mga ito na kapareho siya ng kanyang ina. Kailangan niyang magsumakit may makain lang at masilungan.
Ang kalungkutan at lihim na pagtingin sa lalaking kailanma’y di niya inisip na magkakaroon ng kaugnayan sa kanya ang nagtulak upang pumayag siyang magpalipas ng gabi kasama si Tate. Pero ang huling bagay na kailangan niya ay ang mabuntis lalo’t halos di na niya maalagaan ang kanyang sarili. Dahil desperado na, sa huli ay tinanggap din niya ang alok na trabaho ni Tate—ang maging asawa nito. Ngayon ay nasa kanya na lahat halos ng pinangarap niya.
Sa kasamaang-palad, isa lang ang paraan upang mapasakanya ang pag-ibig ni Tate—ang aminin nito na ang gabing pinagsaluhan nila ay hindi aksidenteng dulot ng kalasingan nito. Bagkus iyon ang huling alas nito para makuha ang babae na talagang minamahal.
What Lies Between Them
By Jodi Lynn Copeland
“Hindi ako nawala sa iyo, Matt. Pinawalan mo ako. Umalis ka gayong handa naman akong makapiling ka habambuhay.”
Ganitong mga salita ang huling inaasahan ni Matt mula kay Autumn, at tanging dahilan kung bakit natigilan siya. Mga kasinungalingan din ang mga iyon. Walang sinuman na nagmahal nang ganoon ang matatagpuan niya sa bisig ng ibang lalaki ilang araw pa lang matapos silang maghiwalay.
Nalagpasan na ni Matt ang kaliluhan ni Autumn pati na ang maliit niyang pinagmulan. Ngayon, isa nang respetado at maunlad na ranchero, hindi na siya ulit magpapadaya sa kanilang nakaraan para lang muling mabihag sa mga bisig ng babae. Kahit pa nagniningas pa rin ang apoy ng pagnanasa sa pagitan nila na pati mga panaginip niya ay mistulang pag-asa sa hinaharap.
Wala sa plano ni Autumn na buhayin ang nakaraan sa pagbabalik niya sa Wyoming pagkamatay ng kanyang asawa. Dapat ay kamuhian niya si Matt. Bukod sa ito ang nagdulot sa kanya ng unang kabiguan sa pag-ibig noong kabataan niya, ni hindi rin nito nakuhang sumaglit man lang noong ilibing ang minsan ay naging best friend nito. Kaya lang, hindi pagkamuhi ang nadarama niya bagkus ay ningas ng pagnanasa na nagbabadyang lamunin siya.
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!