Want to read the story teasers?
The Sweetest Abductor
By Jade Anne Franco
It was a normal day for Cheyenne Marie Alvarez. Patungo siya sa isang client ng kanyang interior designing business nang bigla ay may humarang sa kanyang sasakyan. Ang sumunod niyang nalaman, nakakulong na siya sa isang kuwarto sa di niya alam na lugar. And when the room’s door flew wide open, she was startled to see her abductor.
Nakita na niya ito noon. She would never forget the hard angles of the guy’s face, not even his raven black eyes. He was a colleague of her father’s, ngunit bakit siya nito kinidnap?
“I am utterly sorry that you’ve been hurt, Miss Alvarez,” bungad nito sa mababa at malalim na boses. His sincerity was obvious in every word he spoke.
Right then and there, Cheyenne knew he wasn’t a bad guy….
Tall, Dark And Tangible
By Dior Madrigal
Janina never really understood why most romance pocketbook heroes were assholes and playboys. Sa totoong buhay, sinong babae ang magkakagusto sa mga lalaking suplado, domineering, palikero at may emotional quotient ng isang comatose na koala bear? It just didn’t make sense to her. Pero kapag nakikita niya ang mga kaibigan niyang gay couple, parang naiintindihan na niya.
Subalit nakilala niya si Abel. Perfect itong hero sa pocketbook. Hindi lang drop-dead gorgeous ang kanyang bagong kapitbahay, mabait din ito, sweet, thoughtful, at down-to-earth. Huwag nang idagdag na smitten din yata rito ang alaga niyang aso.
Ngunit isang bagay ang nalaman niya ukol sa binata. Yes, he was that wonderful person she met, and more. So much more na sa tingin ni Jan, kawawa siya kung pababayaan niya ang sariling tuluyang ma-in love dito….
Ang Boyfriend Kong Konduktor
By Doreen Laroya
Gusto nang mag-asawa ni Daniel. Sawa na siya sa kanyang happy-go-lucky lifestyle. He wanted permanence, to put down roots. He wanted kids… lots of kids!
Ang problema, wala siyang mapili sa mga naging girlfriends niya. Wala isa man sa mga ito ang matatawag na wife material at parang hindi rin naman talaga siya minahal. So he decided to go on a mission to find the right woman who’ll love him not for his wealth. Para magawa iyon, kailangan niyang pansamantalang kalimutan na siya si Daniel dela Vega, kasama sa listahan ng Forbes magazine ng pinakamayayaman sa mundo at nagmamay-ari ng pinakamalaking bank institution at largest mall developer sa bansa.
Ayos na ang plano, kompleto na ang props. He just had to make sure he would pull it through. Pero naghahanap pala ng mayamang mapapangasawa ang dalagang napusuan niya….
Between The Moon And The NYC
By Elise Estrella
Sa hitsura ng bago nilang kasamahan sa NYPD, sa tingin ni Mark, parang mas bagay na pre-school teacher si Abigail Lorenzana kaysa police detective. Hindi na siya nagtaka na ganoon na lang kung pag-usapan ito ng iba niyang katrabaho. At katapat ng sa kanya ang magiging opisina ng dalaga.
Bagaman masaya iyong may magandang babae siyang masisilayan tuwing papasok ng opisina, hindi nakikipagrelasyon si Mark sa mga katrabaho niya. It was a hard and fast personal rule.
But Abigail is just so tempting. At hindi siya santo para ipagtulakan palayo ang tukso na iyon….
Knight In Shining Kawasaki
By Abby Herrera
Spoiled, rich brat—iyon daw si Gwin. And she was fine with it. Subalit nagbago ang lahat nang kinailangan niyang bumalik sa bayang kinalakhan upang makasama ang kanyang ama. Bayang akala niya ay di niya muling babalikan pa.
Mula sa mga parties at pagpapasarap ay kinailangan niyang tulungan ang ama sa tindahan nito at pakiharapan ang mga taong ayaw niyang makasalamuha. Isa na roon si Migs—ang epal at mayabang na probinsyanong ganoon na lang kung pakialaman ang buhay niya.
t Gwin didn’t expect was for the man to actually think na may pag-asa ito sa kanya! Hah! Kahit maubos na ang lahat ng lalaki sa mundo at ito na lang ang matira, nunca niya itong papatulan. Or was she getting ahead of herself?
Dahil sa lakas ng taglay nitong karisma, madalas ay nakakalimutan niyang baduy ang bigote nito….
Love Letters For A Prince
By Autumn Castillo
Matawag mang hopeless romantic, wala siyang pakialam. Basta gusto ni Mia na malaman ng kanyang prinsipe na matagal na niya itong hinihintay, na araw-araw ay nakatago at nakalaan lamang ang pag-ibig niya para rito. Kaya nga nagtitipid siya upang makabili ng stationery every week, na sinusulatan niya, nilalagay sa sobre at tinatago sa isang kahon upang maibigay sa takdang panahon sa kanyang ‘prinsipe’. Pinagtatawanan lang iyon ni Monty, ang best friend niya mula noong kindergarten pa sila, pero wala siyang pakialam.
Hanggang sa isang araw, may nakilala siyang lalaki na eksakto sa ini-imagine niyang anyo ng kanyang prinsipe. At ‘Prince’ din ang pangalan nito!
Masaya na sana, pero napansin ng dalaga ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Monty mula noong sagutin niya si Prince….
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!