Want to read the story teasers?
Mamahalin Kitang Muli
By Carolyn Weber
“Baka naman puwede mong sabihin sa ’kin kung sino ka,” sarkastikong utos ni Nick, her husband of eight hours.
“Si Tessa. Contessa Angeles… ah, Contessa Del Mar na pala,” bawi niya.
Dinig na dinig niya ang panunuya sa malutong na tunog ng tawa ng lalaking nakahiga sa hospital bed. “At sino ka sa buhay ko, Contessa Angeles… ah, Del Mar na pala?” patuloy nitong kutya.
“A-asawa mo,” mahina niyang tugon.
He scoffed. “Asawa? Damn it! Ni hindi ko nga maalala ang mukha mo at kung paano kita nakilala, pero asawa kita?”
Parang nahulog ang puso ni Tessa sa sahig. Pakiramdam niya ay wala na siyang karapatan na tawagin itong ‘asawa’. Paano pa, kung ganitong hindi siya makilala ni Nick? Tila wala itong anumang naaalala tungkol sa kanya….
From Maid To Wife
By Thea Roman
Papasa kaya siya bilang kasambahay? Tatanggapin kaya siya bilang maid?
Kung hindi pinipilit ng kanyang ama si Dane na ipakasal sa lalaking hindi niya gusto, hindi sana ganito ang mga pinoproblema niya. Ngunit ganoon na nga ang nangyari kaya lumayas siya mula sa malaki nilang bahay.
Kinakabahan siya sa gagawin, pero mukhang sinuwerte naman siya sa kanyang bagong employer. Hindi lang guwapo si Dr. Greg del Rosario, mabait din ito at sweet. Hindi niya tuloy maiwasang pagpantasyahan na nagbabahay-bahayan sila imbis na naninilbihan siya sa simpatikong doktor.
Pero dahil sa ginawa niyang pagpapasok na maid sa bahay nito, mukhang idinamay lang niya ang binata sa gulo ng kanyang buhay….
Too Close For Comfort
By Sachi Bliss
Hindi maintindihan ni TJ ang nararamdaman. Nagkalinawan na sila ni Noelle. They will put that ‘thing’—a.k.a. what happened in her unit one very early Sunday morning—behind them and never to look back.
Ganoon ba kadali iyon, lalo na para sa kanya? Wala ba talagang ibig sabihin iyon sa dalaga, kahit for sentimental reasons lang? It was her first time! Bakit kung makaakto ito ngayon ay parang bale-wala lang ang nangyari?
Gaya ng kanilang usapan, dapat mag-move on na siya at huwag magpaapekto sa nangyari na. Saka ano pa ba ang kailangan niyang asahan? Hindi niya dapat nakakalimutan na may nobya na siya.
But somehow, those thoughts were not enough to fill the emptiness inside him….
If I Could Be Next To You
By Maristella Feliz
Buong akala ni Colleen ay tuluyan nang nabura sa puso niya si Curt matapos nilang di magkita ng pitong taon. Hindi man naging madali para sa kanya ang pagsusumikap na kalimutan ang kanyang first love.
Walang pagsidlan ang kaligayahan niya nang maging magkaibigan sila. Sa isip ni Colleen, baka dininig ng langit ang matagal na niyang ipinapanalangin na makita na ni Curt kung sino talaga siya—na hindi na siya iyong spoiled at irresponsible brat noon. Mabait na ito sa kanya, kabaligtaran noon na para siyang public enemy number one kung tratuhin nito. At may bonus pa dahil beneficial din sa career niya ang pagkakaayos nila. Hindi malayong mahalin na rin siya nito sa wakas.
Ngunit na-realize niya ang katangahan nang makita ang binata kasama ang nobya nito. Bakit ba kasi siya humihingi sa langit ng imposible?
Girl Be Mine
By Eunice Xyra
Jennifer Evangelista was given the greatest challenge of her life—ang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at hindi humihingi ng tulong mula rito. Mahirap iyon para sa kanya pero dahil gusto niya ng kalayaan, tinanggap niya ang hamon nito.
Then, came Benjamin—best friend ng kuya niya na never niyang nakasundo. Nagulat siya nang biglang tulungan siya nito sa problema niya. And then, he kissed her. And with that kiss, tila si Sleeping Beauty na nagising siya sa katotohanang mahal na niya ang binata. Ngunit hindi gaya sa fairy tales, mukhang walang ‘…and they lived happily ever after’ ang
istorya niya.
Dahil kung kailan naamin na niya sa sariling mahal niya nga ito ay saka naman niya kailangang pumili: kalayaan o pag-ibig?
Reflected in You
Tagalog Version
By Sylvia Day
Gideon Cross. Kung gaano siya kaguwapo at kaperpekto sa labas, ganoon din katindi ang sugat at pagdurusang nasa loob niya. Isa siyang maliwanag at maalab na apoy at napaso ako ng pinakamadilim na mga ligayang dulot niya. Hindi ako makalayo. Ayoko. Siya ang adiksyon ko… ang bawat pagnanasa ko… akin.
Magkasing-lupit ang aming nakaraan, at gaya niya ay nagdurusa rin ang loob ko. Imposibleng maging kami. Masyadong mahirap, masyadong masakit… maliban na lang kapag perpekto iyon. Iyong mga sandali kung kailan ang matinding pagnanasa at desperadong pagmamahal ang pinakamagandang kabaliwan. Pinagbuklod kami ng aming pangangailangan. At dadalhin kami ng aming kapusukan lampas pa sa aming hangganan patungo sa pinakamatamis at pinakamasidhing bingit ng pagkahumaling…
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!