Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Strange & Beautiful

By InnerSmile7

     Noong makilala ko siya, alam ko nang wala na akong makikilala pang kagaya niya: babaeng addict sa pink na imbis na tunay na pangalan, ‘Marvel Girl’ ang pakilala sa sarili. Weird, confident and potentially migraine-inducing, she is also very beautiful. At Super Saiyan ang level ng pagba-blush ko kapag nasa malapit siya.
     I like being with her, I miss her every time she is not around. At kahit boring at nakakainis ang pagkamahiyain ko, parang wala siyang planong lumayo sa akin.
     Malamang joke lang sa kanya iyong ipinapakita niyang interes sa akin, pero sigurado akong kung anuman ang nararamdaman ko para kay Marvel Girl, hindi na iyon maaalis pa kahit kailan….

A Happy Ending For Romeo & Juliet

By Fraeraine

     Kung hindi namatay ang mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mapapapunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa Mindanao, upang doon na manirahan kasama ng pamilya ng ama. And she hated being there, hindi lang dahil napakalayo niyon sa kinasanayan niyang lungsod, kundi dahil kilala siya roon bilang bastarda ng mayor. But when she started to think that everything about the place sucked, she met Roberto Meo Arguilles o Romeo sa mga kapamilya nito. At bigla niyang na-appreciate ang Sta. Agatha.
     May problema nga lang; hindi lamang mga pangalan nila ang tila pinaglaruan ng tadhana, pati sitwasyon nila ay ganoong-ganoon din. She learned about her family’s decades-long feud against Romeo’s family. Coincidence pa bang matatawag iyon o sumpa na?
     Magiging tragic din ba ang ending ng love story nila?

Seven Reasons To Love You

By Red Raselom

     Sabi ng matatanda, lahat daw ng gubat ay may ahas. Sa kaso naman ni Michelle, hindi ahas ang mayroon kundi buwisit. And the latter happened to be Dylan. Kung hindi ba naman siya sinabihang parang bading at washboard dahil lang flat-chested siya, okay sana sila ngayon. Ang ganda pa naman ng first impression niya pagkatapos ay ganito pala ang ugali nito? Leche talaga!
     Dahil tuloy roon, nabuo niya ang isang project na kung tawagin ay ‘Seven Reasons To Hate Dylan’. Talaan iyon ng mga ayaw niya sa binata. Mula sa kabalbalan ng lalaki, nakakabuwisit na ugali hanggang sa pagiging tone deaf nito, hindi niya pinalampas! Ganoon katalas ang mga mata niya pagdating kay Dylan!
     Pero teka, bakit gan’on? Parang mga kabaligtaran yata ang nahahanap niya rito? Anyare? And what kind of sorcery is this?

Married To A Stranger

By Psychedelic Distress

     Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place. Natagpuan niya ang sarili sa isang lumang simbahan at sapilitang ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Nang magising siya, kumbinsido siyang panaginip lang iyon at imposibleng mangyari sa katotohanan.
     Pero kinabukasan, harapan niyang nakita ang lalaki sa panaginip niya. And the stranger was claiming her as his wife.
     Paano nangyari iyon?

Infatuation

By xxakanexx

     “Bakit nga mabait ka sa akin?” tanong ko kay Lukas. Noong una niya akong makita, kulang na lang ay ipakulam niya ako dahil gustong ibigay sa akin ng lola niya ang lahat ng kayamanan nila. Kataka-taka sa akin ang nangyayari ngayon.
     “Wala lang,” sagot niya.
     Kumunot ang noo ko. “Iyong totoo, nilalandi mo ako, ’noh?”
     He grinned. “Bakit, magpapalandi ka ba?”
     Bigla akong kinabahan. “Nilalandi mo na ako sa lagay na iyan?” I dared him.
     To my surprise, bigla niya akong hinatak palapit at tinitigan.
     “A-ano’ng g-gagawin mo?” nauutal na tanong ko.
     “Lalandiin ka,” bulong niya sa tainga ko.
     The next thing I knew, his lips were on my neck, tracing my collarbone. Napasinghap ako. Minamanyak na naman ako ng gagong ito and I was letting him.
     I can’t believe I was actually letting him do this to me!

DyepNi

By pajama_addict

     Nagsimula ang lahat sa dyipni. Doon din nagtapos. Parang ’yung nararamdaman ko para sa ’yo—humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gusto kong isiping gan’un ka rin, pero sa tingin ko, hindi. Kung dyipni ako, pasahero ka—nakikisabay, nakikisakay, nakikiramdam.
     Nagpaparamdam pero nauuwi rin sa wala….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!