Want to read the story teasers?
Walking Temptation
By Eve Rodziewicz
“Takot ka ba sa akin, Miss Borromeo?” tukso ni Brett.
Her eyes went sharp and wide. “Ano naman ang ikakatakot ko sa ’yo?” taas-kilay na untag ni Yvette.
“I don’t know. Ang ma-in love, perhaps?”
“Ang kapal talaga ng apog mo! I don’t even know you.”
Nginitian siya nito na tila unaffected sa pagtataray niya. “If that’s so, have coffee with me. It’s not like I plan to ravish you, you know. Walang mawawala sa ’yo, I swear.”
All she ever wanted was to forget him and the blasted attraction she felt for this walking temptation….
My Everything
By Rebecca Rosal
Si Kell ang pinakamasugid na manliligaw ni Mai noong high school sila, pero ayaw niya sa ugly duckling kaya sampung beses niya itong binasted. Laking pasasalamat niya nang mag-migrate ang kanyang pamilya sa Bristol dahil sa wakas ay mawawala na rin si Kell sa landas niya.
Ngunit nang magbalik si Mai makaraan ang sampung taon ay nabigla siya sa nadatnang Kell. Natulala siya sa kaguwapuhan nito ngayon!
Bigla siyang nanghinayang na binasted-basted niya ito dati….
Insensitive
By Dior Madrigal
“You like me.” Tumayo si Ava at lumapit kay Jace. “I think I’m good for you. I like you, and I think you like me more than you say you do.”
Mariing pumikit ang binata. “Ava, don’t—”
Idinampi niya ang mga labi rito. “Back then, I was too scared to fight for you. I was contented to receive scraps from you. But now, I want more, Jace. I’m going to make you love me.”
“Don’t, Ava. Don’t. Please…” Tila dinudurog ang mga buto ng kaharap sa tindi ng sakit sa mukha nito. “I’ll hurt you.”
Malungkot siyang ngumiti. Totoo iyon. Nasaktan na siya ni Jace nang todo noon. Pero hindi lumaban si Ava noon at mabilis lang na sumuko. Mag-iiba na iyon ngayon….
Wrong To Love You
By Terri Dizon
Tisha thinks she’s perfectly happy with the simple, predictable and stable life that she shares with her fiancé, Ross. Subalit nang sumulpot ang magulo, komplikado at highly unpredictable na si Lance ay bigla na lamang niyang nakita ang lahat ng kulang sa inaakala niyang perpekto nang buhay. She is in love in the truest sense of the word.
Ang hindi niya alam, hindi ganoon sa panig ni Lance. Hindi pag-ibig ang motibo nito sa pakikipaglapit sa kanya….
Friendzoned
By Abby Herrera
“Tungkol d’un sa isang araw… ’yung sa atin… sa kotse?”
“Yes?” untag ni Carter sa binata. Magpapahayag na ba si Phoenix ng damdamin? Hihingi ng patawad na minahal siya kaagad?
“You know, I respect you and I like you,” simula ng lalaki.
Shit! Her heart dropped. ‘I respect you’. That’s the universal ‘no’. Remake ng ‘It’s not you, it’s me’.
“I hope hindi mo isipin na ginagawa ko iyon sa lahat ng babae, lalo na sa ’yo. I mean, I consider you my friend.”
Tumango siya. “Huwag mo nang isipin ’yun. Nakainom rin ako, hindi ko na nga maalala.” Buti na lang talaga, naimbento ang pride.
“I’m just worried na makakasira ito sa samahan natin.”
Hindi alam ni Carter kung ano ang gustong ipahiwatig ng lalaki, bukod sa malinaw na friend zone lamang para rito ang lahat sa kanila….
The Comeback
By Kylie Montiel
May tawag ang mga kaibigan ni Flynn sa nangyayari sa kanya: Karma. Sa dami ng babaeng pinaluha niya, ngayong handa na siyang tapusin ang paglalaro at nagpasyang magmahal nang totoo, hindi naman niya alam kung saan hahanapin ang kanyang Miss Right.
Nagdesisyon siyang bumalik sa probinsya para hanapin ang first love niya: si Mikmik. Pero sa dami nang nangyari sa nakalipas na mga taon, pahirapan iyon lalo pa at kakaunti ang alam niya tungkol sa babae.
’Tapos, hindi pa masyadong friendly si Toni, iyong supladang principal na sana ay puwedeng makatulong sa kanya. Mabuti na lang maganda ito—beautiful enough para magustuhan ni Flynn, kahit alam niyang mahal pa rin niya si Mikmik….
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!