Want to read the story teasers?
Be My Home
Three Wishes (Book 1 of 3)
By Sachi Bliss
Nagulat si Patrice nang bigla siyang hinalikan ni Runako. The sensations were giddying. His kisses were making her brain foggy, and much as she didn’t want to, she pulled away from the kiss.
“Run…” singhap niya, “n-not here…” Shit, ano ba iyong sinabi niya? Puwede pa nilang ituloy, pero huwag dito?
Para namang biglang nagising ang binata. “Damn! That was a mistake,” deklara nito.
Napakurap siya. That felt so good; ano’ng pinagsasabi nitong mistake?
Napabuntong-hiningang umiling si Run. “It shouldn’t happen again, Patrice. Make sure it doesn’t happen again,” tila pinal na sabi ng lalaki bago siya iniwan.
She felt insulted. She was no expert at kissing, but she was sure he wanted that kiss!
Ano ba ang problema ng ipokritong iyon?
Be Mine Forever
Three Wishes (Book 2 of 3)
By Sachi Bliss
Sa loob ng tatlong taon, tiniis ni Addy ang lahat ng sakit dulot ng iskandalong dinala sa kanya ni Julian Yoon. Nakilala niya ito habang nagba- bakasyon sa Boracay at agad itong minahal. Pero mukhang hindi ganoon ang kaso sa side ng binata. Ilang linggo matapos silang maghiwalay, kumalat sa Internet ang pictures nila at kung anu-anong pambu-bully ang natanggap niya mula sa mga fans ng sikat palang binata. At si Julian ay ni hindi man lang nakipag-communicate sa kanya, kabaligtaran sa ipinangako nito.
Ngunit biglang sumulpot muli si Julian sa buhay niya, dala ang mga paliwanag at pangako nito. At sa araw-araw na pangungulit ng lalaki, nagdesisyon siyang pagbigyan ito.
Pero hindi para makipagbalikan; may plano siya para ibalik sa binata ang lahat ng hirap at kahihiyang dinanas niya noon.
She became cold, cunning, dangerous and… sad?
So what? At least, magiging malaya na siya.
Be My Last
Three Wishes (Book 3 of 3)
By Sachi Bliss
Mula sa Australia, bumalik sa Pilipinas si Nikolai para sumunod sa kagustuhan ng pamilya na rito na lang siya manatili. But he had to keep himself busy or he would only have more time to think about how pathetic his life had become.
Wala sa plano niya na magkaroon ng kahit anong attachments kahit kanino, lalo na kay Misty, iyong pamangkin ng kapitbahay nila na childhood crush niya rin. Dapat ay magpauso siya ng alibi, o kaya ay derechahang humindi sa mga imbitasyon ng babae. Pero habang nakikita niya ang sigla sa mga mata at ang ngiti sa mga labi ni Misty, nawawalan siya ng kakayahang gawin ang dapat.
Maybe Nikolai could say ‘no’ another time. If he could….
My Beautiful Nightmare
By Terri Dizon
Halos mag-swoon sa kanyang kinauupuan si Naomi nang makita ang speaker para sa writing workshop na dinaluhan niya. It was none other than the cute guy she saw at the book store. Aside from his highly impressive credentials, nakahahanga at very articulate din ito. She thought she had found the guy for her.
Mas lalo pa siyang kinilig nang ilabas ng lalaki ang kanyang libro habang nagsasalita ito sa stage. Pero kulang na lamang ay umusok ang ilong niya nang marinig kung paano nito pinintasan ang nobela niya! Ang kaninang dream guy niya ay isa palang malaking bangungot! Ang kapal ng mukha ng Robbie Alejandrino na iyon!
Pero mukhang di pa tapos ang bangungot ni Naomi dahil ang binatang hambog din pala ang bago niyang housemate….
Love And Lottery
By Adrienne Rowland
“How’s my beautiful bride?”
Pinamaywangan niya ang lalaki. “Tigilan mo na ’tong kalokohan mo, Mario. Hindi ito uubra kay Tita Berning.”
Ang kondisyon kasi ng tiyahin, dapat mag-asawa muna si Dinggay bago siya nito balatuhan mula sa natamong premyo sa lotto.
“Madaming rason kung bakit di tayo dapat sumuko. One, think about the money. Two, think about the money and three, think about the money…”
Bumagsak ang mga balikat ni Dinggay. May punto si Mario; sayang ang pera kung tatanggihan niya. Isa pa, willing na willing naman ang kababatang magpanggap na boyfriend niya….
Nag-iisang Mahal
By Edilberta Zosima
Gustong matawa, at the same time, mainsulto ni Mikhail sa bisita nila sa rancho. Halatang iniiwasan siya ni Audrey, ang assistant ng bago nilang veterinarian. Sa lahat ng babaeng nakilala niya, bata man o matanda, ay tinitingnan siya nang may admiration sa mga mata, pero ang dalaga ay iniisnab siya. Kahit siya na mismo ang nagpapapansin, wala iyong epekto sa babae. Tinanggihan pa nito ang imbitasyon niyang lumabas sila.
Bigla siyang nahamon. Tuloy, kahit hindi niya type si Audrey, okupado ng dalaga ang kanyang isip araw at gabi.
Hindi kaya nagpapakipot lang ito? O kaya hindi maamin sa sarili na may gusto sa kanya?
Kung ang pang-iisnab naman ang style ng dalaga para mapansin ni Mikhail…
Well, effective iyon.
Discuss these books and more at our Facebook page!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!