Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Antique Grand Piano

Love Instruments 2

By Doreen Laroya

     Isa lang ang misyon ni Katarina Barros—ang ibalik ang nasunog na piraso ng piano piece na ninakaw ng kanyang mga magulang sa tunay na may-ari niyon. Hinanap niya si Johann Dresdner Frei, ang sikat na pianist na nakilala sa buong mundo. Sa kasamaang-palad, naaksidente siya habang sakay ng bangka patungo sa islang kinaroroonan ng lalaki. Nagising siyang walang maalala sa sarili at wala isa mang pagkakakilanlan. Her presence in the manor eventually thawed the owner’s icy demeanor.
     Napapalapit na sila sa isa’t isa nang bumalik ang alaala ni Katarina.
     Now, she’s sure Johann will hate her when he discovers the truth….

Heartbreaker

By Elise Estrella

     Pakiramdam ni Bryson, kasalanan niya kung bakit ayaw panagutan ang nakababata niyang kapatid ng nakabuntis dito. Ito yata ang nagbabayad para sa mga kasalanan niya sa mga babaeng kanyang pinaluha.
     Nevertheless, he came up with a plan. A sister for a sister. Sinaktan ng lalaking iyon ang kapatid niya, kaya sasaktan niya rin ang kapatid nitong si Martina.
     It was an odd feeling when he finally met her. Pinuntahan niya ang dalaga para kilatisin at hindi niya inaasahan ang magiging epekto ni Martina sa kanya—epektong hindi dapat nadarama ni Bryson para sa isang babaeng lolokohin niya rin lang….

Hot Fantasy

By Dior Madrigal

     College pa lang ay crush na ni Natalie si Logan Salvatore. Pero natural lang namang reaksyon iyon; the guy should come with a warning label: ‘Hotness overload: not for the faint of heart.’ Ngayong nagkataong magkapitbahay na sila at naging mas close pa, lalo niyang hindi maiwasang magkagusto rito. The man is sweet, nice, kind, and has a tight muscular ass. What more could she ask for?
     But Natalie is of medium height, medium IQ, medium attractiveness, yada yada yada. At hindi naman siya ganoon kaambisyosa para isiping mai-in love sa gaya niya ang isang katulad ni Logan.
     She would rather stick to fantasizing about her hot friend-slash-crush than get her poor fragile heart rejected….

Her Smile, His Sunshine

By Ava Andrada

     Sinubukan ni Danyka na kumawala sa asawa, pero hindi siya pinawalan ni Baron. He tilted her chin up and stared at her. His cold and dark eyes looked dangerous that her knees started to weaken.
     “Don’t get your hopes too high, Danyka,” he said in a low and sexy voice. “Because I assure you that nothing—no one, not even your brother—can ever separate us. You will stay by my side forever.”
     And without any warning, he captured her lips in a hot and mind-blowing kiss; claiming her entirety.
     If only they were a normal couple, Danyka would have taken that as a sweet promise and she’d feel complete….

In Exchange for Love

By Angel Guevarra

     “Maybe you’re scared to do this,” sambit ni Warren.
     “At bakit naman ako matatakot sa ’yo?” Rowena asked in a challenging tone.
     Ngumiti ito nang matamis. “Because you might fall for me.”
     Nanlaki ang kanyang mga mata. It was as if he just threw the truth right in her face. “Fine. I’ll be your bride, but let’s be clear about one thing: this is only a trade. I’ll give you a bride and you’ll give me full ownership of my land. Nothing more, nothing less,” taas-noong saad niya.
     He shrugged. “Sure, whatever you say.”
     Bagaman hindi niya ipinahahalata, natatakot si Rowena na baka nga magkatotoo ang sinabi ng lalaki. Hindi imposibleng magkagusto siya kay Warren.

My Rebel Groom

By Bella Amor

     Umalis si Jared ng San Carlos dahil ayaw niyang sundin ang gusto ng kanyang ama na magpakasal siya kay Bree. Sa kanyang pag-alis, buo na ang desisyon niya na hindi na babalik doon.
     Makalipas ang limang taon, pinuntahan siya ng kababata para pakiusapang umuwi ng San Carlos dahil may nagtatangkang pumatay sa kanyang ama. Ibang Bree na ang nakaharap ni Jared sa pagbabalik niyang iyon. At naramdaman niyang nahuhulog ang loob niya sa dalaga.
     Isa lang ang problema: may nobyo na itong iba at wala yata kahit kaunting interes sa kanya.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!