Want to read the story teasers?
For My Special Valentine, MSV Desire, MSV Uncut, MSV After Dark
Awakening
By Dior Madrigal
Akala ni Vivien ay erotica ang tema ng biography niya, pero mukhang magiging horror thriller na iyon. A gorgeous stranger—who aroused everything that’s feminine in her—just rescued her from species only movies could give name to and told her she was prophesied to kill an ancient witch.
Pero naloloka na nga yata siya. Because after her near-death experience, she was moaning and dry-humping a totally and obviously dangerous stranger over the next hour. Ni hindi nga siya sigurado kung pareho sila ng specie ni Samuel!
Pero wala siyang pakialam doon nang mga oras na iyon. Maaaring hindi maganda ang kanyang coping mechanism, pero mas gugustuhin ni Vivien na malunod sa nakahihilong init kaysa sa mabaon sa nakaliliyong takot.
Dangerous
By Elise Estrella
Magsisinungaling si Declan kung sasabihin niyang hindi niya pinagnasaan si Antonella noong nagsimula itong magdalaga. Kaya nga siya kumaripas noon ng takbo palayo ay dahil bata pa ito at wala siyang karapatang pag-isipan ito ng kung anu-ano. She was only fifteen that time, damn it! His crush on her back then made him feel like a dirty old man.
At sa palagay ng lalaki, mali pa rin ngayon ang nararamdaman niya. Respeto na lang sana sa kanyang best friend at sa pamilya Tanseco na itinuring siyang parang tunay na anak na hindi niya walanghiyain ang prinsesa ng mga ito, hindi ba?
“Kung ayaw mong makipaglaro sa ’kin, pabayaan mo akong makipaglaro sa iba.” Iyon ang sinabi ni Antonella.
To hell with that! He wasn’t going to allow any other man to touch her.
A Sort of Fairy Tale
By Natalie Trinidad
After they made love for the first time, Dax already expected that for Gia, they merely had sex. Pero hindi niya inasahang pati doon ay iiral ang pagiging abogada nito. She agreed they could do it again but with no strings attached. Para masiguro iyon, kailangang may rules.
They are only doing this to relieve tension, to deal with their attraction with each other. Hindi puwedeng mag-demand nang higit pa dahil para sa dalawang taong jaded, overcautious at marami nang pinagdaanan, mas importanteng ma-maintain ang pagkakaibigan at award-winning work partnership nila.
Should be easy, right? But Dax has been in love with Gia for years and having her now without wanting so much more will never ever be easy.
Final Fling
By Jhoie Poblete
Liberated si Meralle; carefree at non-committal. Katuwiran niya, kung ang mga lalaki ay puwedeng tumikim ng iba’t ibang babae, bakit hindi siya puwedeng tumikim din ng iba’t ibang lalaki? So iyon nga ang ginawa niya.
Pero sumulpot ang inggit sa kanyang puso nang malamang engaged na ang isa niyang kaibigan. Mas maganda siya kaysa kay Sophie, pero ito ang nakabingwit ng perpektong lalaki. Instant ang attraction na naramdaman niya para sa fiancé nitong si Resty. Na-challenge din siya dahil parang hindi man lang napansin ng binata ang kanyang kagandahan. So she decided to play she-devil and seduced him. Walang makakaalam at wala ring commitment; ie-enjoy lang nila ang katawan ng isa’t isa.
Pero nangyari ang hindi inaasahan ni Meralle: na-in love siya sa fiancé ng kanyang kaibigan….
25 Smiles for Seth
By Elise Estrella
He didn’t cheat on Coleen, mamatay man siya. Hindi ganoong klase ng lalaki si Seth Ledesma. Hindi niya kayang saktan ang asawa at hindi niya ito basta-basta na lang pakakawalan.
Kaya hayun, binraso niya na ang kanyang misis. Ginamit niya ang clause sa prenup nila na nagbigay sa kanya ng karapatang subukang makipag-ayos sa babae bago ito tuluyang magdesisyon na makipaghiwalay sa kanya.
Ngayon, mayroon siyang isang buwan para mapangiti muli ang kanyang asawa. Kapag napasaya niya si Coleen, magbabago na rin ang isip nito tungkol sa pagsasampa ng annulment.
25, Hot and Half-Naked
By Ingrid De La Torre
Tatlong bagay ang garantisadong malas sa buhay ni Calixta na pinakaiiwasan niya—the number 25, hot days in September, and half-naked men. Hanggang sa may natagpuan siyang sulat sa lumang mailbox ng yumao niyang abuela mula sa nagpakilalang ‘Yuan’. Para sa walang malay na ‘Pag-ibig’ ang mensahe na mukhang gusto nitong isumpa nang isang libo’t isang beses dahil sa matinding kabiguan.
Tingin tuloy niya ay miserable at chararat na kokak ang misteryosong letter sender.
Sa pangambang baka magpakamatay ang lalaki ay pinuntahan niya ito. And lo and behold, she was welcomed by the three things that she didn’t want to see: house #25, under the hot September sun, and a half-naked demigod na eksaktong kabaligtaran ng iniisip niyang miserable at chararat na kokak.
25 Days Later
By Helene Del Mundo
Sa pananaw ni Luke Paraiso, hindi dapat ginagawang komplikado ng pakikipagrelasyon ang buhay ng tao. It is complicated as it is already. Kaya ang rule niya, dapat hanggang twenty-five days lang ang pakikipag-date pagkatapos, goodbye na. Sa opinyon niya, iyon ang perfect number of days para ma-enjoy ng isang babae at isang lalaki ang company ng isa’t isa nang hindi nabo-bore at hindi rin ganoon kalaki ang emotional investment.
Hindi romantic si Tammy Inarez, sadyang curious lang sa buhay. At isa sa nakapukaw ng curiosity ng dalaga ang dating scheme ni Luke. So nag-volunteer itong maka-date niya sa loob ng twenty-five days.
Hindi iyon seryosohan at para lang silang naglalaro.
Pero may nangyaring mali. Twenty-five days later, Luke was left with a hollow in his chest and big questions in his mind.
The Last 25 Hours
By Kylie Montiel
“Nola…” anang binata na may desperasyon sa mga mata. “Alam kong baka kulangin na tayo sa oras o mahuli na ang lahat, pero puwede ba tayong magkita uli? A day before it’s all supposed to end… in that place we both remember. I swear I’ll be there. Please?”
Ilang segundong nakatingin lang siya kay Zach. A part of her craved for that thrill and wanted to hold on to this feeling for as long as she could. Iyong may aasahan at hihintayin pa siya sa susunod na mga araw at linggo bago magunaw ang mundo. Iyong alam niyang kahit ito man lang ay maging dahilan para gustuhin niyang bumangon sa bawat umaga kaysa hayaan na lang matapos ang lahat.
But it was indeed an inconvenience, falling in love while the world was just about to end….
25th Blood Moon
By Dior Madrigal
Mapa-romance, horror, comedy o action man, tingin ni Mary Grace ay hindi siya heroine material. Una, masyado siyang plain. Pangalawa, masyado siyang tamad para maging curious sa mga bagay-bagay. Masaya na siya sa trabaho niya bilang librarian, sa mga Asianovelas, at sa pag-su-surf ng Internet.
Kaso nasaksihan niya ang pagpatay sa isang werewolf ng isang nilalang na hindi niya alam kung anghel ba, o demon, o miyembro ng X-Men. Sa takot niyang magaya sa werewolf na pinutulan nito ng ulo, nanginginig ang mga tuhod na sumama ang dalaga sa nilalang—na drop-dead gorgeous, FYI—na nagdala sa kanya sa bahay nito.
Nangako ang lalaking Arrick ang pangalan na hindi siya nito sasaktan; kailangan lang siyang manatili sa bahay nito hangga’t hindi pa natatapos ang blood moon. Kung bakit, wala siyang ideya. Ang alam lang ni Mary Grace, biglang naging komplikado ang dating boring pero mapayapa niyang buhay….
For Pink & Purple and The Balete Chronicles
Wish to the Moon
By Sandy Magno
Hindi makapaniwala si Lora nang magising siyang katabi ang yumaong asawa na si Eric. Akala niya ay panaginip ang lahat, pero totoo palang buhay ang lalaki. Bigla, naalala niya na humiling siya sa buwan para mabuhay itong muli. Mukhang tinupad niyon ang wish niya.
Pero may mga tanong sa isip niya. Bakit wala yatang naalala si Eric? At bakit hindi siya nito kilala?
Sa sumunod na mga araw ay kinuha ni Lora ang tiwala ni Eric. Ipinaliwanag niya sa asawa kung paano sila nagkakilala, nagkagustuhan, hanggang sa maikasal. Naramdaman niyang naniniwala na ang lalaki sa kanya at nahulog na rin ang loob nito sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa buwan.
Pero sa likod ng kanyang isip, naroon ang masakit na katotohanang hindi pa niya kayang tanggapin: pansamantala lang ang lahat.
Love Across Time
By A.S. Lava
Nakatakda na ang araw ng kasal nina AJ at Angela. Pero nagdadalawang-isip siya dahil sa misteryosong lalaking parati niyang napapanaginipan. Pakiramdam niya ay hindi si AJ ang itinadhana para sa kanya. That feeling intensified when she found herself traveling through time where she met Caloy.
Juan Carlos “Caloy” Dychangco was born in the year 1872. Mahirap ipaliwanag ang misteryo ng paglalakbay pabalik sa nakaraan, pero nagawa iyon ni Angela. Hindi na mahalaga kung dahil sa lumang simbahan, sa antigong mesang ginamit niya o sa diary ni Caloy kaya nagkaroon siya ng portal patungong ibang panahon.
Right now, all that Angela wants to do is to spend the rest of her life with the man she loves… even if it means leaving her present, her future… and AJ behind.
25,000 Letters
By Althea dela Rama
Hindi siya anghel, hindi rin si Kamatayan. Isa siyang mailman—iyong mga liham na nakolekta mula sa puso at alaala ng isang tao bago ito mamatay. Ang trabaho niya ay ang ipadala ang mga liham na iyon sa kinauukulan sa loob ng apatnapung araw.
Sa loob ng ilang taon, maayos na ginagawa ng mailman ang kanyang trabaho hanggang sa makilala niya si Dra. Iris Maravillas, ang bukod-tanging tao na nakakakita sa kanya.
Isang misteryo sa mailman kung ano ang dalaga at kung ano ang koneksyon nito sa kanya….
The Set-up Wedding 2
By AnanymouslyInLove
Na-set-up. Nagmahalan. Nasaktan. Iyon ang naramdaman ni Ellen nang malaman ang lihim ni Jude. Ang hirap pala kapag hindi mo kilala ang napangasawa mo. Ang hirap kasi hindi mo kabisado ang ugali nito.
Hindi sila dumaan sa normal na proseso ng ligawan. Wala silang matibay na samahan. Lahat ay bago para sa kanila. At dahil ngayon lang tuluyang nakikilala ni Ellen si Jude, hindi siya sigurado kung mananatili pa siya sa piling nito o babalik na lang sa dating buhay.
Pero bakit kapag kasama ang lalaki, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya?
Falling for the Billionairess
By elisestrella
Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old Executive Vice President ng Balajadia Industries, ang kompanyang pag-aari ng pamilya niya. Estimated net worth: USD 11.6 Billion.
Ako si Ash Montesines, twenty-five years old, bagong graduate after seven years in college at tatlong beses na pagpapapalit-palit ng course, family black sheep and damn proud of it. Current net worth: Php 1,127.25.
Ipinasok ako ng ninong ko bilang personal assistant ni Miss Billionairess matapos akong itakwil ng tatay ko. Kung di ko mapapatunayang kaya kong buhayin ang sarili ko sa loob ng anim na buwan nang hindi umaasa sa kanya, ‘goodbye, mana’ na ako.
I’ve never worked a day in my life, but I’ve never been without money either. Kaya paano ko lalampasan ang challenge na ito sa buhay ko at makumbinsi ang bago kong boss na huwag akong patalsikin matapos ang mga katangahan ko sa opisina niya?
Simple lang. Lalaki ako at babae si Meredith. You do the math.
Simoun Azul
By xxakanexx
I need to follow my routine. I need to be organized. I believe that if I have a schedule, everything will fall into place. I was sixteen when I started making schedules. Araw-araw, iyon ang sinusunod kong plano. Nagbabago iyon kapag nagbago din ang setting ng buhay ko.
Pero ngayon, ang tahimik at boring kong buhay ay nagulo dahil sa lalaking bumaril sa nang-hostage sa akin. Binantaan pa niya akong papatayin niya lahat ng miyembro ng pamilya ko kapag kinanta ko sa mga pulis ang tungkol sa kanya. Murderer, di ba? Pinatay niya ang hostage-taker!
Sino ba naman ang gugustuhing mapalapit sa kanya? May six-pack abs lang naman siya, nakakatunaw-panty na tingin. Wala akong planong mahulog sa kanya at lalong sirain ang schedule ko.
Alas Tres
By JoeyJMakathangIsip
Mahiwaga ang oras na alas tres.
Sa oras na ito, maraming kababalaghan ang nagaganap dahil madalas maglakbay ang kamatayan.
At ang kamatayan, maraming buhay na kinukuha.
Nasa librong ito ang anim na kuwento tungkol sa ilan sa mga buhay na kinuha ni Kamatayan sa oras ng…
Alas Tres
It’s Complicated
By pajama_addict
One drunken night.
One chance to profess his undying love.
One opportunity to be a Romeo…
But it’s the wrong window.
It’s the wrong room.
It’s the wrong girl.
Pinoy Horror Confessions
By Odin Protectus
Ang mundo ay nababalot ng hiwaga.
Totoo ba ang lahat ng iyong nakikita? May pagkakataon bang tila pinaglalaruan ka ng iyong mga mata? May nakikitang mga bagay na hindi mo maipaliwanag, na kalimitan ay kasing bilis ding mawala kung paano mo sila kabilis nakita. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ilan, na mas sensitibo at mas mapang-obserba, ay may natutuklasang kakaiba sa mga bagay na mabilis lamang na hahagip ng ating mga mata.
Kung ikaw ay kasalukuyang nag-iisa sa iyong kinaroonan, bakit hindi mo subukang makiramdam sa iyong paligid? Malalaman at mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa, nariyan lamang sila, nakamatyag at nag-aabang…
Real-life tales of horror, urban legends, and chilling ghost stories. they’re all here!
Prepare to be terrified!
Discuss these books and more at our Facebook pages: My Special Valentine and Pink & Purple!
If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!