Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!
New Release
Want to read the story teasers?

Previews

The Marcellano Promise (Book 1 of 4): Falling For Vann
Yumi Sagara

     Para kay Samantha, hindi na kailangang sabihin pa ni Patrick Vann Marcellano ang tatlong mahiwagang salita; sigurado siya, mahal siya ng lalaki.
     Mula nang magkita silang muli, wala nang ginawa ang lalaki kundi kulitin siya na tanggapin ang inaalok nitong trabaho sa sarili nitong kompanya. Gusto siyang tulungan ni Vann na kalimutan ang kamatayan ni Allen, ang kuya nito na siyang una niyang pag-ibig, and ultimately stay permanently in their little town. Kabaligtaran ng ginagawa nitong pang-aaway nito sa kanya noong mga teenagers pa lang sila, ngayon ay gusto na siyang pasayahin ng kababata—which he did.
     Ngunit nang bumalik ang hindi naman pala namatay na si Allen, nagkaroon na si Samantha ng alinlangan ukol sa damdamin ni Vann para sa kanya. Because, suddenly, he was driving her away….

The Marcellano Promise (Book 2 of 4): All For Froilan
Yumi Sagara

     Tila isang anghel sa buhay ni Aki si Froilan Marcellano. Isa itong mabuting kaibigan. Noong magipit siya, pinatira siya ng binata sa bahay nito. Walang malisya sa pagitan nilang dalawa dahil bukod sa wala siyang panahon sa pag-ibig at pagyaman ang nasa isip niya, hindi rin pagnanasaan ni Aki ang mukhang seminaristang kaibigan. Isa pa, mabait at gentleman ito. Panatag ang loob niyang hinding-hindi siya nito ‘gagapangin’.
     Kahit nang umalis ng bansa ang kaibigan, nanatili pa rin siya sa bahay nito. Ang hindi inakala ni Aki, isang hunk na Froilan ang babalik matapos ang ilang taon. And my, he was gorgeous… and hot!
     Natagpuan ng dalaga ang sarili na siya mismong ‘gumagapang’ kay Froilan isang gabi. Pero patulan naman kaya nito ang gaya niyang isang charity case lang yata sa paningin ng binata?

The Marcellano Promise (Book 3 of 4): Forever With Luke
Yumi Sagara

     Ang tanging nais ni Summer sa buhay ay makaalis sa bayang kinalakihan. Sawang-sawa na siya sa lahat ng sulok ng bayan ng Estrella at gusto niya ng bagong kapaligiran, ng mga bagong kakilala. Hindi niya rin makita ang sarili na mag-aasawa at tatanda roon.
     Kabaligtaran iyon ng mga plano ni Luke. Gusto lang ng kababata na maging doktor sa ospital sa bayan nila, magkapamilya at mamuhay nang tahimik.
     Kaya bagaman natutunan na nilang mahalin ang isa’t isa, iniwan ni Summer ang lalaki para hanapin ang lugar niya sa ilalim ng araw.
     Only to discover that her heart would always belong to Luke at kakayanin niya palang manatili sa kahit saang parte ng mundo basta kasama niya ito.
     So she came back to Estrella. But it was too late…

The Marcellano Promise (Book 4 of 4): A Bride For Parker
Yumi Sagara

     Namomomroblema si Allyson Trinidad kung paano uuwi sa San Joaquin at harapin ang kanyang konserbatibong mga magulang ngayong buntis siya at tinakbuhan ng buwisit na ama ng batang kanyang dinadala.
     Salamat na lang at isang estrangherong nagngangalang Parker Marcellano ang nakilala niya at nag-offer ng tulong. He was willing to pose as her husband sa harap ng parents niya.
     Ngunit hindi niya nahulaan na pareho nilang magugustuhan ang pagpapanggap. And Allyson found herself wishing na sana ay totoo ngang asawa niya ang lalaki.
     Pero walang puwang ang pag-ibig sa buhay ni Parker. His zest was for the outdoors, sports and adventures. Hindi ang tipo nito ang natatali lang sa trabaho at bahay.
     In particular, major no-no kay Parker ang matali sa isang babae….

Love Next Door
Hannah Wabe

     Hindi na kailangan ng anumang verbal cue. Sigurado si Dr. Ethan Uy, he had the hots for his very hot neighbor.
     Simula noong lumipat ito sa condominium unit na katabi ng sa kanya, nagulo na ni Josephine Hernandez ang buhay niya. Hindi naging hadlang ang manipis na dingding na naghihiwalay sa mga kuwarto nila para maging malapit sila sa isa’t isa. Every night, as they lay on their respective beds, they would talk about almost anything. At sa bawat gabi, lalo siyang naaakit sa kapitbahay. Kung ang pantasya niyang matulog sila sa iisang kama ang basehan, mukhang masama nga ang tama niya sa dalaga.
     What was worse, his best laid-out plans were now in disarray because of this—kabilang na roon ang plano niyang mag-propose sa girlfriend niya….

Miss Perfect No More
Ella Gualvez

     Sa mata ng lahat, perpekto si Megan Mejia. Sophisticated, demure, elegante at well-bred ang imahe niya sa mga kakilala. But that was all it was—an image. A façade. Kabaligtaran ng lahat ng adjectives na ipinangde-describe sa kanya ang tunay na Megan. Sigurado rin siyang mawawalan siya ng kaibigan sa opisina kung alam ng mga ito kung gaano siya ka-peke.
     Kaya naman ganoon na lang ang takot niya nang mabuko ni Troy ang pinakatatago-tago niyang sekreto at i-blackmail siya nitong ipagkakalat iyon kapag hindi siya nakipag-date dito. Kandatayo na ang balahibo niya isipin pa lang niya ang magiging reaksyon ng mga katrabaho kapag nakarating sa mga ito kung ano at sino talaga siya.
     Walang ibang choice para kay Megan kundi tanggapin ang paghihiganti ng lalaking nasaktan niya ng pride at puso ten years ago….

The Lady In Red Velvet
Audrey Torres

     Bago pa man siya sumabak sa trabahong iiwan sa kanya ng tiyahin, inihanda na ni Doris ang kalooban sa pagharap sa bagong amo na ayon sa Tita Agnes niya ay eccentric, perfectionist, ruthless, heartless at supladong slave driver.
     Pero hindi siya naging handa sa natuklasan: Si Mags Brennan ang estrangherong sapilitang nangolekta ng ‘thank you kiss’ mula sa kanya matapos siya nitong iligtas sa manyakis niyang date, one fateful, unforgettable night.
     At lalong hindi niya inasahan ang lungkot at disappointment nang wala siyang makitang recognition sa expression ng boss niya. Habang siya ay kayang iguhit ang mukha nito by memory, si Mags ay hindi yata mai-connect ang clumsy secretary sa kaakit-akit na babaeng naka-red dress noong gabing iyon….

A Treasure To Hold
Precy Dizon-Kohl

     Ang sabi ni Bryan, naaalala raw nito ang sarili sa kanya. Gaya ni Meredith, loner din ang binata noon. Iyon umano ang dahilan kaya siya nito inaalok ng pakikipagkaibigan. Mukhang tama naman ang desisyon niyang tanggapin iyon dahil natuklasan niyang masaya nga palang magkaroon ng kaibigang lalaki.
     Pero giit ng best friend niyang si Racquel, a man and a woman cannot be just friends. Malamang daw na may gusto sa kanya ang mayamang binata. Tinawanan niya lang iyon. Imposible sa tingin niya ang teorya ng kaibigan dahil maraming babaeng naghahabol kay Bryan at sigurado siyang lahat iyon ay higit ang katangian sa kanya. Isa pa, may mahal siyang iba.
     Ngunit iba ang ipinapahiwatig ng kabog ng dibdib niya sa tuwing masasalubong ng paningin niya ang masuyong tingin ng binata…

Along Comes A Stranger
Mari Calingayan

     Natigilan si Mark sa akmang pagsasabon sa caretaker ng bahay nila, na noon lang niya pinuntahan matapos ang ilang taon. Sampung minuto na siyang kumakatok sa pinto at nakababad sa ilalim ng malakas na ulan. Balak yata siyang patayin sa pulmonya ng tagapangalaga ng bahay bago siya papasukin sa loob niyon.
     Ganoon na lang ang gulat niya nang hindi ang inaasahang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Sa halip, bumungad sa kanya ang isang pagkaganda-gandang babae na sa amo ng mukha ay papasa sa role ng anghel sa pelikula.
     Ngunit may hawak itong shotgun sa isang kamay at determinadong nakatutok iyon sa kanya….

I Love You Most
Jean Mae Oryza

     “I want you to pull out your books from all bookstores. Pino-pollute mo lang ang utak ng mga kababaihan sa librong ’yan,” feeling hari na deklara ni Patrick, hawak ang librong isinulat ni Joanna na pinamagatang ‘I Love Me More’.
     “May sariling utak ang mga readers ko. At saka, maimpluwensyahan ko man ang girlfriend mo o hindi, hindi mo pa rin naman siya puwedeng pakasalan,” balik-singhal niya.
     “Mabuti’t nabanggit mo ’yan.” Nagsalubong lalo ang mga kilay ng lalaki. “Ang lakas ng loob mong ilagay diyan that you’re single when in fact, seven years ka nang married!”
     Napahumindig siya.“Wala kang karapatang pakialaman ang buhay ko.”
     Nakakaloko ang ngiti ni Patrick. “I don’t think so. Because, my dear Joanna, whether you like it or not, I am still your husband.”

Kailangan Ko’y Ikaw
Suzette Brioso

     Parang biniro ng tadhana si Nadia nang makilala niya si Mohammed Montelibano, ang may-ari ng ospital na kanyang pinagtatrabahuhan. Nahuhulaan niya sa mga ikinikilos nito na may gusto ito sa kanya. At may bumabangong takot sa dibdib niya dahil doon.
     Isang karangalan na pinag-aaksayahan siya ng atensyon ng isang guwapo, mayaman at makapangyarihan na binata. Pero batid niyang kailangang maging handa rin siyang masaktan sakaling hayaan niya ang sariling tuluyang umibig dito. Hindi imposible na libangan lang ang tingin sa kanya ni Mohammed—isang diversion habang hinihintay nito ang pagsakatuparan sa matagal nang napagkasunduang kasal nito sa babaeng gaya nito ay mula rin sa isang makapangyarihang pamilya….

My Love, My Hero
Ada Manahan

     In a matter of minutes, pagkababa sa eroplano ay nagulo ang plano ni Bea na pagbabakasyon sa Pilipinas. Bigla na lang siyang dinamba, pinosasan at dinala sa NBI mula sa airport. In-interrogate siya tungkol sa mapanganib umanong drug lord. Kahit nang walang makitang ebidensya ng koneksyon niya sa mga kriminal at mapatunayang nagsasabi siya ng totoo tungkol sa identification niya, hindi pa rin siya tuluyang pinalaya ng nakakainis at supladong NBI agent na humuli sa kanya. Sa halip na ihatid siya sa kanila, dinala siya nito sa sarili nitong bahay sa probinsya.
     What transpired next were like scenes from action movies—barilan, habulan, suntukan, patayan—at kasali siya sa lahat ng iyon! Mabuti na lang papasa ring action star ang kasama niya—si Jason Henares.
     Nang maalalang ito rin ang nagtangay sa kanya sa gulong iyon, binawi ni Bea ang compliment na naisip para sa binata.

Dear Enemy
Charmaene Marie

     Gustung-gusto talaga ng kanyang ama na pinahihirapan siya, nagngingitngit na naisip ni Jacob. Hanggang sa last will and testament na iniwan nito ay kitang-kita iyon. Ang kondisyon nito ay magtrabaho siya sa diner ng kaibigan nito at iwan ang villa, ang condo unit, ang mga kotse for six months. Kung hindi, mapupunta sa inaanak nitong si September Olivarez ang lahat ng dapat sana ay mamanahin niya.
     It was ridiculous! Siya na lumaking señorito, magtatrabaho? At sa isang maliit na diner? For six months?
     Pero wala siyang ibang option maliban sa sumunod. Gayunpaman, humanda sa kanya ang September na iyon oras na matapos ang anim na buwan. Sigurado siyang malaki ang kinalaman ng dalaga sa desisyong iyon ng kanyang ama at magbabayad ito sa lahat ng pagpapahirap na gagawin sa kanya….

Smooth Operator
Nicole Stephanie

     If there was an aspect of Riggs’ personality that was apparent to Dynah, it was his being a womanizer. Wala itong ibang mapagpipilian sa pension house na iyon kaya siya ang kinukulit nito at kinakausap. Nahalata yata nito na sa kabila ng pag-iwas niya, kapansin-pansin ang mga reaksyon niya na telltale signs ng attraction niya para sa binata.
     Kaya ito na-cha-challenge.
     Kaya siya nito kinakausap.
     Kaya siya niyayayang mag-date.
     Sa suot ba naman niyang pulos kabaduyan at balut na balot sa katawan, malaking salamin at braces, mas katawa-tawa pa siya kaysa kay Betty La Fea.
     So no, hindi siya pini-flirt ng sikat na basketball star, ‘pinagtitripan’ ang mas tamang salita para roon….

The Fake Girlfriend Job
Isabel Margarita

     Kasama sa ‘employment package’ nang i-hire si Kisses ni Miguel Takeuchi sa restaurant nito ang trabaho bilang fake girlfriend nito sa harap ng lolo nito. Ang objective ng charade ay ang magustuhan siya ng matanda.
     Hindi akalain ni Kisses na magiging epektibo ang drama nila. Sobrang boto sa kanya ang lolo ng lalaki, na kahit nang matuklasan nitong peke ang relasyon niya sa apo nito, trabaho ang ibinigay nito sa kanya, kapalit ng kapatawaran nito.
     Ang trabaho?
     Kailangan niyang pangatawanan ang pagiging nobya ni Miguel to the point na mapilitan ang binatang totohanin ang drama nila.
     In short, kailangan niyang akitin si Miguel Takeuchi….

It’s Always Been You
Lorry Virgo

     It’s karma at work. Iyon ang naisip ni Lorraine habang ramdam na ramdam ang sakit dahil tila na-get over na ni Xander ang infatuation nito sa kanya noon. She used to enjoy his meek stares when they were young at ang pamumula nito kapag nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya. Pero hindi na ito nahihiya ngayon sa kanya.
     Mukhang nagkabaligtad na sila ng sitwasyon. Siya na ang may crush dito—yeah, crush at her age of twenty-nine. Crush na unti-unting lumalago kada araw na nagkikita sila. Crush na dapat nang kalimutan dahil one-sided lang. At crush na hindi tama dahil committed na siya sa iba.
     Yet, nang marinig niya ang pagtawag ni Xander, “Lorraine, I want to kiss you.”
     “What’s stopping you?” sa halip na bayolenteng ‘no’, ay sagot niya….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!